Andrea Brillantes, binigyan ng bouquet at letter ni VP Leni: "So sorry you had to..."

Andrea Brillantes, binigyan ng bouquet at letter ni VP Leni: "So sorry you had to..."

Andrea Brillantes, binigyan ng bouquet at letter ni VP Leni: "So sorry you had to..."
- Tila emosyonal si Andrea Brillantes nang mapadalahan siya ni Vice President Leni Robredo ng isang handwritten letter at bouquet ng mga bulaklak

- Makikita sa letter ni VP Leni ang petsa kung kailan ito naisulat ngunit April 30 niya ito nilagay sa kanyang Instagram stories

- Nagpasalamat naman si VP Leni kay Andrea sa tiwala't suportang ibinibigay sa kanya ng aktres

Laking tuwa ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes nang mapadalhan siya ng prutas, bouquet ng mga bulaklak, at munting mensahe ng kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas na walang iba kundi si madam Leni Robredo.

Kahapon, April 30, ay nagpost ito ng magkasunod na Instagram stories upang ipakita ang letter na ibinigay sa kanya ni VP Leni kasama ang mga kulay rosas na Rosas sa background ng kanyang ibinahaging litrato.

Makikita sa letter na noong April 27 pa pala isinulat ito ni VP base sa petsa na nakalagda sa bahaging itaas ng mensahe. Nagpasalamat naman si Andrea sa natanggap niyang ito.

Ang nakasulat sa handwritten letter ni VPL, "Dear Andrea, thank you very much for your support. It truly means a lot. So sorry you had to wait for a long time," ani VP Leni.

Worth it naman umano ang paghihintay ni Blythe sa bise presidente na naka-caption rin sa kanyang Instagram story. Sinama rin niya ang Leni-Kiko Instagram sticker na makikita sa bandang ibaba ng post.

"Worth it po ang paghihintay ko sa inyo ma'am, @bise_leni salamat po sa fruits and flowers," natutuwang tugon ng Kapamilya star.

Samantala, nag-viral naman sa social media ang ginagawang panghihikayat ni Andrea sa boyfriend nitong si Ricci Rivero, isang BBM supporter, na maging isang 'Kakampink' na gaya ng kanyang girlfriend.