Janice de Belen, umaming ayaw nang makatrabaho si John Estrada: "so many hurtful words..."

Janice de Belen, umaming ayaw nang makatrabaho si John Estrada: "so many hurtful words..."

Janice de Belen, umaming ayaw nang makatrabaho si John Estrada: "so many hurtful words..."
- Nagkaroon ng one-on-one interview si Janice de Belen kasama ang kanyang anak para sa special episode ng Jeepney TV

- Dito natanong ni Kaila si Janice kung 'open' pa rin ito makipagtrabaho kina Aga Muhlach at John Estrada

- Nagbigay naman ito ng dahilan kung bakit ayaw na niyang makasama sa trabaho ni John, nang tanungin ng anak kung 'bakit'

May aminang naganap sa Jeepney TV para sa espesyal na mother's day episode ng network kung saan tampok sa one-on-one interview ang Kapamilya actress na si Janice de Belen kasama ang anak nitong si Kaila Estrada.

Sa nasabing panayam ay nagkatanungan ang mga ito patungkol sa pamilya at relasyon nila sa isa't-isa. Naitanong nga rin ni Kaila sa kanyang ina kung 'open' pa rin itong makatrabaho ang mga aktor na sina Aga Muhlach, at John Estrada.

Ayon naman kay Janice, maaaring pumayag siyang makatrabaho si Aga ngunit kung si John ay hindi na. Isang bagay na binigyan niya ng dahilan nang magtanong ang anak kung bakit hindi siya payag.

"Aga, yes, I'd be open to working with Aga. Your dad? No," sagot ni Janice na tinugunan naman ni Kaila ng, "Why not?"

Pagpapaliwanag nito, "Alam mo kasi, hindi kami naging mag-asawa ni Aga so it's different. The relationship is different. It's different with your dad kasi naging mag-asawa kami, okay? Yung mga disagreements namin were not tiny disagreements.

"The reason for us separating, it's not a tiny thing. It's not just a disagreement. So many hurtful things, so many hurtful words have already been exchanged and there's a reason why we're not exactly friends," paglilinaw pa niya.

Sinabi pa nitong hindi na ito magwo-'work' kung sakali dahil sa mga nangyaring hindi magagandang nangyari sa kanila ni John.

"It's not gonna work, and everything that has happened between the both of us, we might be an inconvenience to the people that we are working with and working for. Baka maging problema kami, so wag na lang kaming maging problema at all," diin pa ng aktres.