Cristy, sinabing baka wala na ang LizQuen dahil kay James; Matagal na raw gusto ni James si Liza

Cristy, sinabing baka wala na ang LizQuen dahil kay James; Matagal na raw gusto ni James si Liza

Cristy, sinabing baka wala na ang LizQuen dahil kay James; Matagal na raw gusto ni James si Liza
- Nabanggit ni Cristy Fermin si Enrique Gil ngayong nabalitang magiging manager na ni Liza si James pagkatapos alagaan ni Ogie Diaz ng mahigit sampung taon

- Sinabi nito na baka raw ang ang 'ending' nito ay mawala na ang tambalang Enrique-Liza na mayroong libo-libong fans at followers

- Ipinunto rin nito na matagal nang 'crush' ni James si Liza na idinagdag nito sa kanyang komento

Sa recent showbiz update ni Ogie Diaz ay ibinahagi nito ang malaking balita patungkol sa kaniyang alagang si Liza Soberano.

Sa naturang showbiz vlog ay isiniwalat nga ni Ogie Diaz ang opisyal na pagkaka out niya bilang manager ni Liza Soberano, na mag-e-expire nga ngayong May 31.

Sa pagku-kwento nito ay naitanong na niya noon si Liza kung gusto pa ba nitong mag renew bilang alaga niya, na tinapat ni Liza na gusto na nitong hindi i-
renew dahil sa kagustuhan niyang mag pursige sa karera sa Hollywood.

Naisip naman ni Cristy Fermin na baka matibag na ang isa sa pinaka-malaking loveteam ng ABS-CBN, ang LizQuen, dahil kay James Reid.

“Nasa Spain si Enrique Gil, nasa America si Liza at saka si James Reid. Hindi kaya ang ending nito, wala na ang LizQuen,” ani ng showbiz columnist sa kanyang programang 'Cristy Ferminute'.

“'Di ba, matagal na namang crush ni James Reid si Liza ah,” banggit pa ni Cristy.