Kuh Ledesma, umalma sa mga nagkakalat na pumanaw na siya; May mensahe sa fake news peddlers

Kuh Ledesma, umalma sa mga nagkakalat na pumanaw na siya; May mensahe sa fake news peddlers

Kuh Ledesma, umalma sa mga nagkakalat na pumanaw na siya; May mensahe sa fake news peddlers
- Pinabulaanan ng pop diva na si Kuh Ledesma na siya ay pumanaw na taliwas sa mga fake news peddlers na sinasabing siya ay inatake sa puso

- Ito ay sinagot niya sa kanyang Instagram account nang mabalitaan na ginawan siya ng fake news ng ilang netizens

- Sinabi naman nitong 'very strong' pa rin ang kanyang puso dahil ang Panginoon umano ang nagpapalakas sa kanya

Umalma ang pop diva na si Kuh Ledesma sa mga social media posts na nagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa kanyang buhay. 

Ito ay nang gawan siya ng fake news ng mga 'di mabuting tao na siya ay pumanaw na dala ng pag-atake sa kanyang puso kaya naman ito ay tahasan niyang nilinaw sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Naglabas ito ng video at mensahe sa mga tao na sana ay huwag basta-basta naniniwala sa mga balitang nakikita lamang sa social media nang walang patunay.

Ayon pa rito, buhay na buhay at malakas na malakas ang kanyang puso. Caption nito, “I’m alive. Don’t just believe in stuff like that. So, if you hear news, make sure to ask before spreading it around."

May pahayag naman ang OPM icon hinggil sa isyung ito, “Naku naman may lumabas na fake news, ako raw ay nagkaroon ng heart attack. Teka, okay na okay ang heart ko very strong.

“Kasi si Lord ang nagpapalakas sa akin. Huwag po kayong maniniwala sa mga ganu’n. Ang Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa akin.

“Yung mga fake newsers na ‘yan, ‘yung mga gumagawa ng ganyan may balik na masama ‘yan. Huwag niyong gawin ‘yan, okay?” aniya sa kanyang video post.

Pagpapatuloy ni Kuh, “Focus on Jesus bibiyayaan ka Niya kapag gumagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa.

“Kaya huwag nating binabalikan ng masama ang gumagawa ng masama sa atin, okay? Alam ko gets niyo ‘yan. Love you, guys,” dagdag pa niya.