Ruffa, may sagot sa mga taong sinasabing mukha siyang bakla; Malaki raw ang b**bs

Ruffa, may sagot sa mga taong sinasabing mukha siyang bakla; Malaki raw ang b**bs

Ruffa, may sagot sa mga taong sinasabing mukha siyang bakla; Malaki raw ang b**bs
- Sinagot ni Ruffa Gutierrez ang mga mapanlait na bashers na tinatawag siyang mukhang bakla

- Ibinida niya ito dahil natanong ni Vice Ganda kay Ruffa ang tanong na dapat sa mga contestants

- Ibinandera pa niyang malaki ang kanyang b**bs base sa sumunod na sagot niya kay Vice

Tumugon ang aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez laban sa mga mapanlait na bashers na tinatarget ang kanyang pisikal na itsura na tinawag pa siyang "mukhang bakla".

Kung marami sa mga netizens ngayon ang gandang-ganda kay Ruffa, hindi naman ito pinalagpas ng mga haters na nagcocomment sa kanyang Instagram posts na mukha raw siyang transgender. 

Mula pa sa kanya, nababasa raw niya ang mga negatibong komento ngunit mas pinili nalang niyang manahimik at huwag patulan ang mga ito.

Nagkaroon kasi ng katanungan sa "Showtime" para sa isang segment kung anong isasagot nila sa taong mapagkamalan silang buntis. Naitanong naman ito ng Unkabogable star na si Vice Ganda kay Ruffa na isang judge.

Sagot ni Ruffa, “Hello?! Look at your body first before you say that to me… especially if flat ang tiyan ko like do you need glasses? Sorry I’m just being honest.”

Sumunod pa rito ang pagtatanong kung anong magiging reaksyon niya kung sakaling sabihin siya ng taong mukha siyang bakla.

“They always say na mukha akong bakla and I’m like, ‘So? It’s an honor to look gay.’ Mas type kong magmukhang bakla,” tugon niya.

Tanong pa ni Vice sa kanya, ano naman daw ang reaksiyon niya kung mapagkamalan siyang lalaki.

“Sa laki ng b@#bs ko? I think they really need glasses. I won’t mind them nalang. Hair flip na lang sila,” sagot ni Ruffa sa tanong ng Showtime host.