Vicki Belo, viral nang ipinasilip ang ginawang liposuction kay Janella Salvador
Vicki Belo, viral nang ipinasilip ang ginawang liposuction kay Janella Salvador
- Ipinasilip ng dermatologist na si Vicki Belo sa TikTok ang ginawang 360 liposuction kay Janella

- Makikita sa video na hindi lang liposuction ang ginawa kundi pati na rin ang tinatawag na “skin genius” ng doktora

- Marami naman ang napa-comment at umabot na ang nasabing video ng 5M views

Viral na viral ang TikTok video ng kilalang dermatologist at TV personality na si Vicki Belo sa ginawang “transformation” nito sa Kapamilya star na si Janella Salvador.

Umabot na kasi ang naturang video ng 5 million views sa loob lamang ng 4 na oras pagkatapos ito i-post. Marami naman ang mga nag-comment na maganda pa rin daw ang aktres bago at pagkatapos ng surgical procedure.

Mapapanood sa video na sinabi ng doktora na pumunta daw si Janella sa kanya anim na buwan pagkatapos ng panganganak upang maging “ready” daw ito sa pagta-trabaho.

Ginawa naman ng mga doktor ang tinatawag na 360 liposuction sa katawan ni Janella sa bandang arms, wings, back, at abdomen upang tanggalin ang mga “fats” sa partikular na bahagi ng katawan.

Ibinahagi rin nito na tatlong buwan pagkatapos ng lipo ay ginawa na nila ang tinatawag na “skin genius” sa balat ni Janella upang lumiit daw ang mga loose skin.

Body Positivity naman ang sinisigaw ni Vicki Belo sa videong ito sa lahat ng tao na gusto magpa-procedure tulad ni Janella.

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa mga witty at inspiring comments patungkol kay Janella Salvador. 

@jperete: “ang hirap paniwalaan na may anak na si janella salvador like parang dati lang ayaw ni nanay ayaw ni tatay mapili si ate at si kuya”

@Hope Khris Arceo: “OMG! This video shows to me that i really need to work harder and earn lot of money . You know ambisyosa ako gusto ko rin magpaganda. HAHAHAHAHA”

@Sara Jp: “she's pretty kahit she gain weight”

@LoveLy: “madami ang possible mangyari as long as may pera ka po  Doesnt mean na pag mataba pangit po.”
@vicki_belo @iamsuperjanella bringing sexy back! #liposuction #lipo360 #cosmetics #body #bodypositivity #fyp ♬ Own Brand Freestyle - FelixThe1st & Dreya Mac