Jessy Mendiola isiniwalat na hihiwalayan niya si Luiz Manzano dahil sa isang rason

Jessy Mendiola isiniwalat na hihiwalayan niya si Luiz Manzano dahil sa isang rason

Jessy Mendiola isiniwalat na hihiwalayan niya si Luiz Manzano dahil sa isang rason
- Isiniwalat ni Jessy Mendiola na hihiwalayan niya ang kanyang asawa dahil lamang sa isang rason

- Naglaro kasi si Jessy ng “Totropahin o Jojowain” challenge kasama si Vilma Santos at mga kasambahay nito

- Hindi inakala ni Luiz Manzano ang naging sagot ni Jessy nang banggitin ang pangalan ng isang aktor

Masayang-masaya ang naging kulitan ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola kasama ang mother-in-law nito at mga house helpers sa inilabas na vlog nito sa kanyang YouTube.

Naglaro kasi sila ng challenge kung saan sasabihin mo kung “jojowain” o “totropahin” kung sino man ang banggitin. Nakisali naman ang asawa nitong si Luiz Manzano at nagbigay ng mga pangalan ng male stars.

Makalipas ang ilang pangalan ay tinanong ni Luiz kay Jessy kung jojowain o totropahin niya ang Korean star na si Gong Yoo. Mabilis namang sinagot ni Jessy na jojowain niya ang aktor.

Nag-react naman si Luiz sa sinabi ni Jessy, "Maghintay ka naman ng kahit two seconds man lang para hindi masyadong halata," saad niya.

Tulad ng ilang netizens ay pabiro namang sinabi ng aktres na talagang jojowain niya si Gong Yoo at hihiwalayan niya ito para sa kanya. “Jojowain talaga. Hihiwalayan kita para sa kanya... Alam mo Love kung bakit ko siya naging crush? Kasi naaalala kita sa kanya, hindi ko alam kung bakit.”

“May bawi ako du'n, 'di ba? May bawi,” dagdag na biro pa ni Jessy.

Hirit ni Vilma, "Muntik ko nang sakalin dito anak e.”

Bumida si Gong Yoo sa mga pinag-usapang Korean dramas at movies tulad ng “Goblin” at “Train To Busan” kung saan nakasama niya ang ilan pang kilalang Korean stars. Ipinalabas rin ito bilang isa sa mga Asianovelas offering ng ABS-CBN.