Pag-tapyas ni Luis sa mukha ni Alex Gonzaga sa isang litrato, kinaaliwan ng netizens

Pag-tapyas ni Luis sa mukha ni Alex Gonzaga sa isang litrato, kinaaliwan ng netizens

Pag-tapyas ni Luis sa mukha ni Alex Gonzaga sa isang litrato, kinaaliwan ng netizens
- Kinaaliwan ng marami ang Instagram post ni Luis Manzano patungkol sa mga babae sa buhay niya

- Sa nasabing litrato ay may pag crop na ginawa ang asawa ni Jessy Mendiola

- Hindi napigilang mag kumento ni Alex Gonzaga sa ginawang ito ni Luis

Kinaaliwan ng netizens ang Instagram post ni Luis Manzano matapos na magbahagi ito ng larawan niya kasama ang tatlong mahahalagang babae sa buhay niya.

"3 of the ladies in my life. The other little sis- the momski - the wifey wowow, missing @addiemanzano - the little sis, @nikkigil - the Nikoy, @annecurtissmith the bf!, @carlavaleroso - the cuz sis," caption pa ni Luis sa naturang post.

Ngunit kapansin panin na tila ni-crop niya ang unang litrato kaya naman putol at hindi makikita ang buong mukha ni Alex Gonzaga.

"Tinapyas mo pa muka ko ginawa mo ko poster ng teleserye!!," agad na kumento ni Alex Gonzaga.

"Walangya ka, cinut mo si Cathy haha," natatawang kumento naman ni Jessy.