Chie Filomeno naglabas ng pahayag matapos na ma-evicted sa PBB Kumunity Season 10

Chie Filomeno naglabas ng pahayag matapos na ma-evicted sa PBB Kumunity Season 10

Chie Filomeno naglabas ng pahayag matapos na ma-evicted sa PBB Kumunity Season 10
- Si Chie Filomeno ang latest evictee ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10

- Sa kaniyang twitter account ay agad itong nagbahagi ng mensahe para sa lahat

- Labis na pinasalamatan ni Chie ang mga sumuporta sa kaniya sa loob ng bahay ni Kuya

Sa kakatapos lamang na third eviction night ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition ay sinalubong ng bayan ang paglabas ni Chie Filomeno.

Ito ay matapos na makakuha ni Chie ng pinaka-mababang boto mula sa taumbayan, na mahigit sa 1% lamang ang pagitan mula sa 3rd place na si Eian Rances.

Sa kaniyang paglabas sa bahay ni kuya ay agad na nagbahagi ng kaniyang mensahe ng pasasalamat si Chie Filomeno sa mga sumuporta sa kaniya.

"Hello outside world!! Ramdam na ramdam ko ang nag uumapaw na pag mamahal at supporta na binibigay niyo po. Maraming salamat po talaga. Yakap mahigpit sa inyo," tweet ni Chie.

Sinalubong naman siya ng suporta at pagmamahal ng kaniyang mga fans na sa kabila ng pagkakatanggal niya sa kompetisyon.

"Welcome po ulit sa outsideworld ate Chie we love u and you deserve more blessings because you have a good heart and you are one of the inspiration in this generation. Hope your safe and strong because the real challenge is here in outside world laban lang ate," reply na tweet ng isang fan.

Welcome to the outside world, Chie Filomeno.