AJ Raval may bagong crush sa katauhan ni hashtag member Wilbert Ross

AJ Raval may bagong crush sa katauhan ni hashtag member Wilbert Ross

AJ Raval may bagong crush sa katauhan ni hashtag member Wilbert Ross
- Usap-usapan ang naging kumento ni AJ Raval sa post ni Chad Kinis

- Sa post kasi ni Chad Kinis ay pinapa-mention nito ang mga crush ng bawat isa

- Sa kumento ni AJ Raval ay naka tag ang crush niyang si Wilbert Ross

Usap-usapan ngayon sa social media ang siyang naging kumento ng hot topic ngayon na si AJ Raval sa isang facebook post.

Sa facebook page kasi ni Chad Kinis ay nag post ito kung saan tsina-challenge niya ang lahat na i-tag ang kanilang crush at kung mag re reply sila rito.

Marami ang siyang nakisali at nagkumento ngunit napukaw ang pansin ng marami sa kumento ni AJ Raval.

"Hi Crush, Wilbert Ross," kumento ni AJ Raval kung saan naka-tag pa ang facebook page ng binata.


Marami tuloy ang nagkumento at tila ikinakabit ang naging huling isyu niya mula kay Aljur Abrenica.

"kinuha mo na lahat mars," biro ng isang netizen.

"AJ pumila ka," sabi ng isa pa.

"Aj Raval bukod sa kanya sino pa gusto mo?," tila pabirong tanong naman ng isa pa.

Anong masasabi mo sa showbiz news na ito?