Julia Barretto, ipinagmalaking wala siyang dapat na ikahini ng sorry sa kahit na sino!

Julia Barretto, ipinagmalaking wala siyang dapat na ikahini ng sorry sa kahit na sino!

Julia Barretto, ipinagmalaking wala siyang dapat na ikahini ng sorry sa kahit na sino!
- Sa isang vlog kasama ang mga kaibigan niya ay sknagot ni Julia ang tanong sa kaniya na kung may dapat ba siyang ikahingi ng sorry sa kahit sino

- Nag-isip at inamin nito na wala umano siyang kakilala na dapat na bigyan niya ng sorry

- Ani pa nito na kung magkaroon man ay sa mga taong nasungitan niya lamang noon

Sa isang vlog kasama ang mga kaibigang sina Marco Gumabao at Joe Vargas ay natanong ng huli sina Julia at Marco patungkol sa isang bagay na dapat nilang ikahingi ng tawad kahit sino man.

Mabilis na sumagot si Marco na sinabing sa Diyos siya may utang na paumanhin: “Ako kay God. Alam mo 'yun kung bakit.”

Nang bumaling na kay Barretto, napangiti muna ito bago sinabing wala siyang pinagkakautangan ng sorry. 

“Siguro kung magso-sorry [ako], iyong simpleng 'yung alam mo kunwari pagod ka, ‘tapos nalalabas mo sa mga kasama mo minsan... Siguro 'pag feeling nila ay natarayan ako,” ani Julia.

Matapos nito ay tinanong naman sila muli ni Joe nang kung mayroon ba silang desisyon noon na labis na pinagsisisihan nila ngayon.

Para kay Julia, maliliit na bagay lamang ang pinagsisihan niya katulad ng hindi paglilinis ng kuwarto.  

“Major? Wala,” dagdag pa nito.

Kung mabibigyan din ng pagkakataon, nais nito na makasama muli sa isang proyekto ang nobyong si Gerald Anderson.

“Syempre, I wanna do another film with Gerald. 'Between Maybes Part 2,'” saad ng aktres na huling nakasama si Anderson sa pelikulang “Between Maybes.”