Janella Salvador, may say sa mga "nasasayangan" sa kanya dahil maagang nabuntis

Janella Salvador, may say sa mga "nasasayangan" sa kanya dahil maagang nabuntis

Janella Salvador, may say sa mga "nasasayangan" sa kanya dahil maagang nabuntis

- Sa latest vlog ni Erich Gonzales, ibinahagi ni Janella Salvador ang mga naging pagbabago sa kanya mula nung nagbuntis at nanganak ito


- Nag-react naman s'ya sa mga netizens na nasasayangan sa kanya dahil sa maagang pagbubuntis nito.

- Ibinahagi rin nito nabalak n'yang bigyan ng magandang kinabukasan si Baby Jude.

Namiss natin ang very bubbly personality ng aktres at singer na si Janella Salvador. Huli s'yang nakita sa teleseryeng "The Killer Bride" bago sya nagpahinga pansamantala sa showbiz upang pagtuunan ng pansin ang kanyang pagbubuntis.

Una nya itong inilihim sa publiko ngunit noong kinalaunan ay naisapubliko rin ito at ang relasyon n'ya sa singer na si Markus Paterson. Ngayong s'ya ay nagbabalik sa showbiz, handa na n'yang isalaysay ang kanyang mga naging karanasan at natutunan sa naturang yugto ng kanyang buhay.

Sa latest vlog ng Kapamilya actress at kaibigan ni Janella na si Erich Gonzales, ibinahagi ni 23-anyos na aktres ang kanyang mga naging pagbabagosa kanyang buhay simula noong nabuntis ito.

Pag-amin ng first-time mom, naging mas organized raw s'ya nang dumating si Jude kanyang buhay. Ayon pa sa kanya, mas naging organized na ang kanyang tahanan, di gaya ng dati nung di pa ito buntis na magulo pa ang pamamahay.

Aniya, “Before I got pregnant, when you go to my house lagi kong sinasabi ‘Don’t go kasi it’s still magulo’ kasi tamad talaga ako mag-ayos dati but now, after having a baby, it’s like gusto ko lahat organized. Like wala akong ibang inisip kung hindi mag-organize, mag-ayos, maglinis.”

Sang-ayon doon si Erich dahil nang dumalaw siya sa bahay nito nang makauwi sina Janella sa Pilipinas, napahanga ang "La Vida Lena" star dahil hindi n'ya inaasahan na mas maayos at mas malinis nang tingnan ang kanyang tahanan. Pinuri rin nito na hindi na madalas nale-late ang kaibigan.

Pag-amin pa ng aktres, hindi naging madali ang kanyang naging adjustment noong pinagbubuntis ang anak lalo na sa mundo na kinagagalawan niya bilang isang public figure.

“It’s obvious naman na people in our line of work get pregnant, lalo na at my age, ang daming opinions and judgments,"ani Janella.

Ayon pa niya, marami na rin namang mga taong nagiging open sa ganitong sitwasyon dahil marami ring natatanggap na positive messages ang aktres na nagco-congratulate sa kanya ngunit hindi pa rin maaalis ang mga di-kagandahang komento.

“Hindi mawawala ‘yung parang notion na ‘ay sayang’, maraming ganoon na ‘sayang, sayang, sayang’ but honestly, I’m out to prove na nanganak lang naman ako, eh. I’m still Janella. I just gave birth but I still can do what I can do,” sagot ng aktres.

Ayon pa kay Janella, nagagawa pa rin naman n'ya ang mga dating ginagawa tulad ng pag-arte at pag-awit. Bukod pa rito, may gustong patunayan ang aktres, at yun ay ang hindi natatapos sa panganganak ang kanyang showbiz.

“I just want to prove not just to others but also to myself na kayang kaya. Motherhood doesn’t stop someone from achieving their dreams," sabi pa ni Janella.

Ibinahagi pa ng aktres na sa ngayon mas pagtutuunan niya ng pansin ang pagbibigay ng magandang kinabukasan para sa anak na si Jude. Hands-on rin sila ng kanyang partner na si Markus Paterson sa pag-aalaga kay baby Jude dahil wala silang yaya.

Nang tanungin naman ni Erich kung dumaan siya sa phase ng post-partum, "hindi" ang naging sagot ng aktres.

“I was actually thinking about it kasi everytime people would ask me, I would always say ‘no’ kasi hindi ko talga siya pinagdaanan," ayon kay Janella.

“The first few months na kakalabas lang ni Jude, hindi ako nagkaroon ng post partum kasi I guess, my support system was super good," saad pa ng aktres.

“Nandoon ‘yung mom ko (Jenine Desiderio), hands-on si Markus kahit wala kaming maid do'n (United Kingdom) so parang there’s no reason for me to feel overworked or drained because they are always there to help,” sagot pa ng aktres.

Ngunit inamin rin ni Janella na dumating siya sa punto na madali siyang mairita mula nang makauwi sila sa Pilipinas ngunit madali naman yun na sosolusyunan.

Sa ngayon raw ay pinag-aaralan nila ni Markus kung paano maibalik ang ‘babe time’ nila dahil sa ngayon raw ay nai-stress siya sa tuwing susubukan nilang mag-date ni Markus dahil nagi-guilty siya na iwan ang anak na si Jude sa pangangalaga ng kaanak.

Balak rin ni Janella na magkaroon ng sariling YouTube channel at nagsusulat na rin siya ng kanta sa kasalukuyan para sa susunod niyang album.

May aabangan rin tayo kay Janella dahil bukod sa niluluto nitong bagong album, kasama sya sa pangalawang season ng "Click Like Share" kasama sina Maymay Entrata, Tony Labrusca at iba pa, na mapapanood very soon sa iWantTFC.