Devon Seron may say sa post ni Heaven Peralejo, matapos ang pag-amin ng relasyon kay Kiko

Devon Seron may say sa post ni Heaven Peralejo, matapos ang pag-amin ng relasyon kay Kiko

Devon Seron may say sa post ni Heaven Peralejo, matapos ang pag-amin ng relasyon kay Kiko
- Naging usap usapan kamakailan ang pag-amin nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ng kanilang relasyon

- Ilang araw matapos nito ay nagbahagi ng post si Heaven upang kamustahin ang followers niya

- Samantala si Devon Seron ay nagbahagi naman ng post na tila sagot niya para kay Heaven Peralejo

Nitong mga nagdaang araw lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pag amin ng relasyon nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.

Ito ay matapos ang naging issue sa pagitan ng hiwalayan nina Kiko Estrada at nang ngayo'y dati na niyang kasintahan na si Deven Seron.

Matapos ang pag-amin nilang ito ay tila dedma lamang si Heaven sa negatibong kumento ng netizens sa kaniya at masayang nagbahagi pa ito ng bago niyang litrato.

"How's your day?," caption ni Heaven sa kaniyang post na kinakamusta ang followers niya.


Isang araw matapos na i post ito ni Heaven ay siya namang nagbahagi si Devon Seron ng kaniyang litrato.

"I'm doing great, swettie," caption ni Devon sa kaniyang post kaakibat ang litrato niya na black and white.


At nahihinuha nga ng netizens na ito ang siyang sagot ni Devon sa naunang tanong ni Heaven na 'How's your day'.

Kung ikaw ang tatanungin, para nga ba kay Heaven ang post na ito ni Devon?