"BYE, LIA" Jane De Leon, nagpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa kanya sa "FPJ's Ang Probinsyano"

"BYE, LIA" Jane De Leon, nagpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa kanya sa "FPJ's Ang Probinsyano"

"BYE, LIA" Jane De Leon, nagpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa kanya sa "FPJ's Ang Probinsyano"

- Nitong Biyernes, Agosto 20, tuluyan nang nagpaalam sa "FPJ's Ang Probinsyano" ang karakter ni Police Captain Lia Mante na ginagampanan ni Kapamilya actress Jane De Leon.

- Sa kanyang post sa Instagram, nagpasalamat s'ya sa buong staff, crew, mga nakatrabaho sa serye, higit sa lahat kay Primetime King Coco Martin.

- Nagpasalamat din sya sa lahat ng mga sumubaybay sa kanya bilang si Lia at may bago na tayong aabangan sa aktres.

Nitong Biyernes, Agosto 20, nasaksihan natin ang huling episode ng "FPJ's Ang Probinsyano" kasama ang karakter ni P. Capt. Lia Mante. Ito ay ginagampanan ng aktres at Kapamilya talent na si Jane De Leon. Kasabay ng tagumpay ng Task Force Agila ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa paglupig sa grupo ni SeƱor Enrique Vera (Simon Ibarra) upang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate ni Lia na si Dra. Audrey Mante (Aya Fernandez) ay s'ya naman paglisan ng pamilya Mante upang mangibang-bansa at makaiwas sa panganib.

Ang naturang episode na #FPJAP5Kawala ang bumasag sa dating record na naitala ng #FPJAP5Gamutin episode noong Hunyo 8, 2021 na naitala noon ang 156,099 concurrent views. Ang naturang episode nitong Agosto 20 ay nagset ng bagong record na 162,739 concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Kasabay ng paglisan ni Lia ay ang tuluyan nang pamamaalam ni Jane sa serye, bilang paghahanda na rin sa nalalapit nyang pag-taping n'ya ng inaabangang "Darna" TV Series ngayong Setyembre.

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat ang aktres sa Panginoon, sa bumubuo ng Dreamscape Entertainment, at sa pamumuan ng ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong mapabilang sa FPJAP. Pinasalamatan rin ni Jane ang buong cast, production, lalo na kay Coco, at dahil sa kanilang lahat ay marami s'yang natutunan lalo na sa mga eksenang doon lang sa naturang serye n'ya nagawa.

Ramdam pa sa post ni Jane ang mamimiss n'ya sa serye lalo na ang magandang samahang nabuo lalo na ang kwentuhan, tawanan, pangaral at gabay na natanggap nya mula sa mga beterano at mga kasabayan n'yang mga artista.

Nagpasalamat rin s'ya sa taga-suporta at manonood na sumubaybay sa kanya sa FPJAP gabi-gabi at kay Lia Mante.

Aabangan nating lahat ang kanyang "paglipad" bilang si Darna na ikinakasa na ang lock-in taping ng serye ngayong Setyembre, kung saan ilan sa mga bigating bituin ang kanyang makakasama gaya nina Joshua Garcia at Iza Calzado.