Piolo Pascual nadamay na sa isyung scammer umano si Rudy Baldwin

Piolo Pascual nadamay na sa isyung scammer umano si Rudy Baldwin

Piolo Pascual nadamay na sa isyung scammer umano si Rudy Baldwin
- Nitong nagdaang mga araw lamang ay nilapitan si Raffy Tulfo ng mga nagsusumbong tungkol kay Rudy Baldwin

- Lumapit kay Raffy ang dating manager ni Baldwin na niloko umano siya

- Sa pagsusumbong nito ay nadawit din ang pangalan ng kapamilya actor Piolo Pascual

Nitong nagdaang mga araw lamang ay nilapitan ang programa ni Raffy Tulfo na Wanted in Action ng mga nagsusumbong patungkol kay Rudy Baldwin.

Lumapit si Elzen Estores kay Raffy Tulfo upang isplong si Baldwin sa panloloko umano sa kaniya, “Puro po kamalasan ang nangyari sa buhay ko, Sir Raffy,” ani ni Elzen.

“Ang ipinangako po kasi sa akin na na-vision daw po niya na magiging mayor daw po ako sa Bulacan,” pagpapatuloy nito.

Bukod dito ay inutusan umano siya ni Baldwin na ibenta ang mga ari arian, sasakyan at alahas niya dahil malapit na umano ang end of the world.

Dagdag pa ni Elzen na sinabi umano sa kaniya ni Baldwin na magkakaroon umano ito ng pelikula katambal pa ang Kapamilya Actor na si Piolo Pascual.

Nang makarating ito sa panig ni Baldwin ay nagbahagi ito ng kumento sa kaniyang Facebook page.

“Huwag nyo naman idamay si Piolo Pascual,” hiling ni Rudy matapos madawit ang Kapamilya actor sa isyu nito.

Pinasisinungalingan naman ni Baldwin ang lahat ng paratang sa kaniya ng dati niyang manager, sa kasalukuyan ay magsasampa na ng kaso si Elzen laban kay Baldwin kasama pa ang mahigit walong iba pa at tutulungan sila ng team ni Raffy Tulfo.