Vin Abrenica sinalungat ang opinyon ni Robin Padilla patungkol sa tukso: "Cheating is a Choice"

Vin Abrenica sinalungat ang opinyon ni Robin Padilla patungkol sa tukso: "Cheating is a Choice"

Vin Abrenica sinalungat ang opinyon ni Robin Padilla patungkol sa tukso: "Cheating is a Choice"
- Ibinahagi ni Vin Abrenica, kapatid ni Aljur Abrenica, na hindi ito naniniwalang hindi makakatanggi sa tukso ang kalalakihan

- Sa vlog kasi nila ng soon to be wife na si Sophie Albert ay naitanong sa kaniya ito

- "Cheating is a Choice," ani ni Vin na ipinaliwanag ang side niya

Nagsalita na ang kapatid ni Aljur Abrenica na si Vin Abrenica patungkol sa isang tanong na halos kadikit na ng pangalan ng kaniyang kapatid.

Sa isang vlog nila ng kaniyang soon to be wife na si Sophie Albert na may titulong 'Questions We've never asked each other" ay sinagot ni Vin Abrenica ang tanong sa kaniya.

"Do you really believe that men can't resist temptation(to cheat), if the temptation is there?," tanong ni Sophie kay Vin.


Matatandaan kasing naging usap usapan ang naging pahayag ni Robin Padilla patungkol sa paghihiwalayan ng anak nitong si Kylie Padilla sa asawang si Aljur Abrenica na ani pa ni Robin ay tila dahil sa third party ang dahilan.

"Wag na tayo maglokohan. Panahon ngayon, hindi ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso," ang pahayag noon ni Robin.

Sinagot naman ito ni Vin ng: "Well, one, lahat naman nate-tempt. 'Yung statement na sinabi na hindi talaga makaka-resist 'yung guy, I think that is unfair.


"Meron talagang temptations na nangyayari sa atin pero ang nakakalimutan ng statement na 'yan is God gave us a choice and that is His gift to man.

"Binigyan Niya tayo ng choice to choose what is right and what is wrong. 'Yung taong cheater, will he always be a cheater all his life? It's a choice. You chose to cheat or you chose to be tempted. It's unfair for guys. It's not a matter of biology."