Angelica Panganiban sa kaarawan ni Zanjoe Marudo: "Mahal kita ng walang malisya!"

Angelica Panganiban sa kaarawan ni Zanjoe Marudo: "Mahal kita ng walang malisya!"

Angelica Panganiban sa kaarawan ni Zanjoe Marudo: "Mahal kita ng walang malisya!"
- Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng kaniyang mensahe si Angelica Panganiban sa kaarawan ni Zanjoe Marudo

- Isiniwalat nito na labis ang pagmamahal niya kay Zanjoe dahil sa kabutihan nito

- "Mahal kita ng walang malisya" ang tugon pa nito sa birthday boy

Sa kaniyang Instagram account nga ay nagbahagi ng kaniyang mensahe ang kapamilya actress na si Angelica Panganiban para sa kaarawan ng kaibigan at kapamilya actor na si Zanjoe Marudo.

Ibinahagi nito na palagi umano niyang ipagmamalaki ang isang kagaya niya dahil sa kabutihan at labis na pagkakaibigan na nabuo sa kanila.


"Maligayang bati sa iyong kaarawan ngus! Palagi akong masaya sa lahat ng naabot mo at palagi kitang ipagmamalaki hindi lang bilang napakahusay mo sa trabaho. ( pinapahanap ka pa din ni steven spielberg ) kung hindi, mas mahusay kang tao."


"Alam kong habang buhay kitang matatakbuhan kapag kailangan kong tumawa at makalimot. Mapalad kaming mga tropa mo. Kampai sa lahat ng pangarap na maabot mo pa! Mahal kita ng walang malisya!! Mag gin ka buong araw please!"


Maligayang kaarawan Zanjoe Marudo!