Matteo Guidicelli may mensahe para sa kaarawan ng asawang si Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli may mensahe para sa kaarawan ng asawang si Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli may mensahe para sa kaarawan ng asawang si Sarah Geronimo
- Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Metteo sa kaarawan ng kaniyang asawang si Sarah 

- Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Matteo ang mensahe niya kaakibat ang larawan nilang dalawa

- Iba't-ibang artista ang siyang nagpahatid din ng kanilang pagbati sa kaarawan ng Pop Star Royalty

Ngayong araw ginugunita ang ika-33rd Birthday ng nag iisang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo.

Kaya naman ang kaniyang asawang si Matteo Guidicelli ay nagbahagi ng kaniyang mensahe sa kaniyang Instagram account para sa kaarawan nito.


Tunay na ikinatuwa at kinakiligan ito ng marami, kaakibat pa ang paghahatid ng ilang artista ng kanila ring mensahe para sa kaarawan nito.

Matatandaang ilang araw bago ang kaarawan ay nagbahagi na ng Instagram post si Matteo Guidicelli patungkol sa kaarawan ni Sarah G na una ng kinakiligan ng marami.


Samantala kabilang sa mga nagpabatid ng kanilang pagbati ang ilang kaibigang artista kagaya na lamang nina Angel Locsin, Darla Sauler, KZ Tandingan, Karen Davila, Loisa Andalio at marami pang iba.