Robin Padilla ipinaliwanag ang naging pahayag niya patungkol sa Tukso na hindi mahihindian ng kalalakihan

Robin Padilla ipinaliwanag ang naging pahayag niya patungkol sa Tukso na hindi mahihindian ng kalalakihan

Robin Padilla ipinaliwanag ang naging pahayag niya patungkol sa Tukso na hindi mahihindian ng kalalakihan
- Sa YouTube vlog niya ay ginisa ni Mariel Rodriguez ang asawang si Robin dahil sa naging pahayag nito noon

- Nag trending kasi ang pahayag ni Robin na hindi umano ito naniniwalang may lalaking makakatanggi sa Tukso

- Ani nito ay nagsasalita lamang siya sa kung ano ang kaniyang na Experience

Nakausap at tila ginisa ni Mariel Rodriguez ang kaniyang asawang si Robin Padilla dahil sa naging trending pahayag nito noon patungkol sa tukso.

Matatandaang noong unang linggo ng hulyo ng isiniwalat ni Robin na hiwalay na ang kaniyang anak na si Kylie sa asawang si Aljur dahil umano sa third party.

Dito ay nailabas din niya ang nag trending niyang pahayag na, "Saka sa panahon ngayon, huwag tayong maglokohan, pare. Di ako naniniwala na merong lalaki na makakatanggi sa tukso."

At sa pang uusisa nga sa kaniya ng asawang si Mariel Rodriguez ay ipinaliwanag niya ang naturang pahayag niya.

“Ako, e, nagsasalita sa aking experience. Experience 'yon nung ako ay nasa tugatog ng aking kasikatan, Hindi lahat ng tukso ibig sabihin you fell for it."

Dagdag pa nito na dapat daw ay inintindi muna ng manonood ang kaniyang pahayag bago sila nanghusga, ang iba raw ay sa caption lamang nagba base bago panoorin ang kabuuan.

“Iintindihin nila muna bago nila ako huhusgahan, kasi ang iba hindi naman nila napanood nang buo yung interview. Dun lang sa caption, binanatan na ‘ko nang sobra-sobra.

"Ibig kong sabihin hindi ka dapat umabot sa punto na ‘yon, di ba?. Hindi porke’t sinabi na natukso ka, e, may ginawa ka na. Ang sama naman mag-isip ng mga ‘yon. Napaka… masyado ka nang forward.”

Buong pahayag nito at sinabing naniniwala raw siya na kasama sa buhay ang tukso.