ABS-CBN News post, Viral na dahil sa gwapong sundalo!

ABS-CBN News post, Viral na dahil sa gwapong sundalo!

ABS-CBN News post, Viral na dahil sa gwapong sundalo!
- Viral ngayon ang post ng ABS-CBN News patungkol sa report na tanim na marijuana

- Imbes na sa main report ang maging highlight ng post ay napunta ito sa isang sundalo na kinahumalingan ng marami

- Isang gwapong sundalo kasi ang nahagip ng camera na siyang pinagkakaguluhan ngayon ng netizens

Viral ang isang ABS-CBN News post patungkol sa report nila ukol sa mga tanim na marijuana.

Ngunit imbes na ang main report lamang ang pag-usapan ng netizens ay nabaling ang kanilang pansin sa isa sa mga sundalo na nahagip ng camera.

Sa isa kasi sa mga litrato ay makikita ang ang isang sundalong naka itim na sumbrero na siyang napansin agad ng marami.


"Dapat po may names para po mapasalamatan naman ng sambayanang Pilipino," ani ng isang nagkumento.

"ABS CBN KUNG DI NYO IREREVEAL PANGALAN NG NAKA BLACK NA CAP LILIPAT AKONG GMA!!!!!!!!!," biro naman ng isa pa.

"Kulang ang detalye, dapat may mga pangalan ang mga huwarang pulis na ito HAHA pakilagay na rin ng fb para mapasalamatan namin ng direkta," pakli naman ng isa pa.


"sige banat pa rayt to da lep mga daliri nyong mga haliparot kayo!!! Kilala ko kayo!! Pero wait!!! Ang pogiii nga mga vuakluahhh!!! Name please! Promise di ko po i sesearch sa fb," ani pa ulit ng isa pa.

Source: ABS-CBN News FB Post