Lie Detector Test na isinagawa kina Hazel Grace at kampo ni Angelito sa Raffy Tulfo, inilabas na!

Lie Detector Test na isinagawa kina Hazel Grace at kampo ni Angelito sa Raffy Tulfo, inilabas na!

Lie Detector Test na isinagawa kina Hazel Grace at kampo ni Angelito sa Raffy Tulfo, inilabas na!
- Lie Detector Test na isinagawa ng Raffy Tulfo in Action para kina Hazel Grace at kampo nina Angelito inilabas na

- Matapos ang ilang araw na diskusyunan sa kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo base sa lie detector test ay nagdesisyon na ang programa

- Dahil sa mga resulta rito ay nagdesisyon ang programa sa kung sino ang tutulungan nila sa magkabilang panig

Sa latest episode ng Raffy Tulfo in Action ay inilabas na nito ang resulta ng Lie Detector Test na isinagawa sa magkabilang kampo nina Hazel Grace at Angelito.

Sa ilang bahagi ng episode ay napatunayan base sa test na nakita ngang talaga ng kampo nina Angelito sa taxi ang cellphone ni Grace at hindi ito dinukot.

Napatunayan din sa test na hindi nagbanta ang kampo nina Angelito na sasaktan o gagahasain nila si Hazel Grace. 

Ngunit napatunayan din base sa test na nagsisinungaling ang kampo nina Angelito/Jumar ng tanungin kung sila nga ba ang nag insist na bigyan sila ng pabuya upang maibalik agad ang cellphone ni Hazel.

Lumalabas sa mga test na nagsasabi ng katotohanan si Hazel Grace sa lahat ng tanong na ibinato sa kaniya.

Sa kabuuan ng Polygraph Examination base sa results nito ay lumalabas na totoong napulot lamang nina Angelito ang cellphone, ngunit totoo rin umano na si Jumar ang nagsabi na magbigay ng pabuya kay Angelito upang maibalik agad ang cellphone nito.

Sa huli ay pinag usap na lang muli ang magkabilang kampo kung magkakapatawaran na lamang ba sila o ipagpapatuloy ni Hazel Grace ang mga planong pagsasampa niya ng kaso.

Samantala ayon naman sa pag-aaral ay hindi 100% naglalabas ng tamang resulta ang 'Lie Detector Test' at hindi rin ito ginagamit sa korte dahil dito.