Nakapulot ng Cellphone na nagmagandang loob ibalik, ipinakulong? May-ari nito tinakot daw gahasain?

Nakapulot ng Cellphone na nagmagandang loob ibalik, ipinakulong? May-ari nito tinakot daw gahasain?

Nakapulot ng Cellphone na nagmagandang loob ibalik, ipinakulong? May-ari nito tinakot daw gahasain?
- Trending mula Tiktok hanggang Facebook ang kwento tungkol kay Hazel Grace

- Isang Tiktokerist na nawalan umano ng cellphone at magbibigay ng pabuya sa makapag babalik nito

- Ngunit ang lalaking nagbalik ng cellphone niya ay ipinakulong nito dahil sa 'Robbery Extortion'

Trending mula Tiktok hanggang sa Facebook ang kwento patungkol sa pagkawala at pagkakabalik ng cellphone ng sikat na Tiktokerist na si Hazel Grace.

Noong nawala umano ang cellphone nito ay ibinalita nito na magbibigay siya ng pabuya sa makakapulot ay makababalik ng kaniyang cellphone.

Isang lalaki na kinilalang si Angelito Martin ang siyang nagmagandang loob umano na ibalik ang napulot niyang cellphone ni Hazel Grace, ngunit imbes na bigyan ng pabuya ay ipinakulong umano nito.


Hazel Grace side:

Ayon sa side ni Hazel Grace na tinawagan umano nila ang cellphone niya na nawala habang nasa Divisoria sila ng kaniyang kapatid at may sumagot dito na isang lalaki.

Nakausap umano nila ang lalaki na bibigyan nila ito ng pabuyang nagkakahalaga ng P7k maibalik lamang sa kanilang ang naturang cellphone.

Ngunit ipinag diinan umano ng lalaki na bayaran siya ng P50k upang ibalik ang cellphone ni Hazel dahil kung hindi ay pupuntahan daw ito sa bahay nila upang gahasain.

Na i report umano ng kampo ni Hazel ang nangyari kaya naman ng pumayag silang magbayad ng P50k ay nagkita ang dalawang kampo, at dito ay tuluyang nahuli si Angelito Martin sa kasong 'Robbery Extortion'.


Angelito Martin side:

Sa inilabas na kwento naman ng kaanak ni Angelito na ngayo'y kasalukuyang nakakulong at hindi nila mahanap.

Kakagaling lamang daw sa Hospital si Angelito dahil nagkasakit ito ng mild stroke, at sa kwento ng Kapatid ni Angelito ay mabait na tao ang kuya niya, nakausap daw ni Angelito si Hazel ng mapulot niya ang cellphone.

Laking tuwa raw ni Angelito na bukod sa maibabalik niya ng maayos ang cellphone ay makakakuha pa ito ng pabuya kaya naman agad na nakipag kita umano ito sa kampo ni Hazel upang maibalik agad ang cellphone.

Ngunit kagaya ng kwento ng kapatid nito ay agad na hinili raw umano si Angelito at hindi na nila mahagilap kung saang presinto ito dinala ng kapulisan, hindi na rin umano nakikipag usap sa kanila si Hazel.

Sa kasalukuyan ay humihingi pa rin ang kapatid ni Angelito, na may Facebook name na Poasadas Kaycee, ng tulong at buong loob umano nilang ipapa Raffy Tulfo ang pangyayari sa kaniyang kapatid.


Sino sa tingin mo ang tunay na nagsasabi ng totoo?