John Lloyd Cruz at Maja Salvador spotted kasama ang ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak

John Lloyd Cruz at Maja Salvador spotted kasama ang ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak

John Lloyd Cruz at Maja Salvador spotted kasama ang ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak
- Trending ang pakikipag groupie ni John Lloyd Cruz sa isang Executives at kay ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak

- Sa nasabing venue rin ay naroroon ang Kapatid Star na si Maja Salvador

- Sa kasalukuyan ay si Maja Salvador ang siyang nagma manage sa career ni John Lloyd Cruz

Trending at usap-usapan ngayon ang paglabas ng mga litrato ni John Lloyd Cruz kung saan makikitang kasa-kasama niya ang ABS-CBN President and CEO na si Carlo Katigbak.

Bukod kay Katigbak ay kasama rin nila ang isa pang ABS-CBN Executive na tila masaya sa kung nasaan sila.


Sa nasabi ring venue umano ay naroroon ang kaibigan at ang head ng Crown Management na pinamumunuan ni Maja Salvador, ang siyang nangangalaga ngayon sa career ni John Lloyd Cruz.


Naging bulong bulungan tuloy ang di-umano'y maaaring pag uusap ng mga ito para sa kani-kanilang future projects.

Maaari na nga bang maging hudyat ito ng pagbabalik nina Maja Salvador at John Lloyd Cruz sa Kapamilya Network?

Matatandaang sa kasalukuyan ay maituturing na freelancer si John Lloyd Cruz at nakatali lamang sa isang proyekto sa GMA Network at isang pelikula sa Star Cinema.

Samantalang si Maja Salvador ay kasalukuyan ding nakatali sa ilang proyekto sa TV5 ngunit walang exclusive contrat para rito.