INTENSE! Init Sa Magdamag, pinag-usapan dahil sa makatotohanang episode!

INTENSE! Init Sa Magdamag, pinag-usapan dahil sa makatotohanang episode!

INTENSE! Init Sa Magdamag, pinag-usapan dahil sa makatotohanang episode!
- Pinag-usapan nitong July 13 ang episode ng Init Sa Magdamag na may hashtag na #ISMBatteredWife.

- Sa naturang episode, walang awang pinagbubugbog ni Peterson ang buntis nyang asawang si Rita dahil sa pag-aakalang nakikipagrelasyon pa rin ang huli sa dating nobyong si Dr. Tupe.

- Pinuri ng netizens ang acting nina JM de Guzman, Yam Concepcion at Gerald Anderson dahil sa pagbibigay-hustisya nila sa kanilang mga karakter.

Naging isa sa mga top trending topic nitong Martes, July 13 sa Twitter ang Kapamilya teleserye na “Init sa Magdamag”, na may hashtag na #ISMBatteredWife, kung saan makikita sa isang madugong eksena ang mga karakter ng lead stars na sina Yam Concepcion at JM de Guzman

Sa naturang episode, nagawang saktan ng pisikal ni Peterson (ginagampanan ni de Guzman) ang kanyang buntis na asawang si Rita (ginagampanan ni Concepcion), dahil sa maling akala na nakikipagrelasyon pa rin ang huli kay Dr. Tupe (ginagampanan ni Gerald Anderson) nang patago.

Bagamat bugbog at duguan, nagawa ni Rita na makawala sa mga kamay ni Peterson, na sya namang pagdating ni Tupe at Raymond (ginagampanan ni Albie CasiƱo) at dalhin ang duguang si Rita sa ospital.

Dahil sa walang kakayahang magkaanak ni Peterson, na nakaapekto sa marriage nila ni Rita, nakumbinsi nya si Tupe na maging sperm donor nila para sa vitro fertilization. Nagkataon naman na si Tupe ang dating nobyo ni Rita.

Bagamat itinuloy ang proseso, naging daan naman ito para alamin ni Peterson ang nakaraan at ugnayan nina Tupe at Rita na nagresulta sa pagdududa nito na maaring nangangaliwa ang asawa nito.

Tila nakaapekto sa netizens at mga manonood ang pagganap na ito nina Gerald, Yam at JM sa naturang episode lalo at isa sa mga nangibabaw sa trending list ang #ISMBatteredWife, sa Pilipinas.

Kasama rin sa listahan ang “Peterson”, kung saan tila nangamba ang netizens sa karakter na yun ni de Guzman, kasabay naman nito ang pagpuri sa pag-arte nina JM, gayundin sina Gerald at Yam.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa Twitter ukol sa nasabing episode:

"Creativity, cinematography, story, production, acting, actors ang layu niyo po sa ABSCBN! No offense but let’s admit it only ABSCBN can give us dekalidad na teleserye!! Iba basta tatak Kapamilya! Ang husay!!!

"Nobody does it better than ABS CBN when it comes to teleseryes!!!

GRABE!!! Sobrang affected ako. Buntis ang asawa mo.

JM, YAM AND GERALD!!! SUPERB ACTOR AND ACTRESS!!!

Someone like Peterson don't deserve someone like Rita. Girls if you were experiencing something like what Rita is experiencing now, PLEASE have the courage to LEAVE. There's so much in the world than being hurt"

Si JM din very effective as Peterson sobrang nakakagalit!!!!"

Personally, I really felt so uncomfortable sa domestic violence scene nina Rita at Peterson pero I understand because it's good acting. Ang husay! Kudos to SC. Tumatagos sa TV!

Hands down to the whole creative and production team!!!! ABS-CBN parin talaga!!! Congrats Yam, JM, and Gerald!!!

Mukhang hindi pa doon nagtatapos ang mga pasabog na eksena sa lalong naglalagablab na mga tagpo sa Init Sa Magdamag, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5, Jeepney TV, gayundin sa digital platforms gaya ng iWantTFC, at WeTV iflix.