Kylie Padilla naglabas na ng statement patungkol sa kinakaharap nila ni Aljur Abrenica

Kylie Padilla naglabas na ng statement patungkol sa kinakaharap nila ni Aljur Abrenica

Kylie Padilla naglabas na ng statement patungkol sa kinakaharap nila ni Aljur Abrenica
- Umugong muli ang hiwalayan nila Kylie Padilla at Aljur Abrenica dahil sa pagkumpirma ni Robin Padilla

- Sa gitna ng issue ay nagbahagi ng kaniyang litrato si Kylie Padilla

- Samantalang si Aljur Abrenica naman ay nagbahagi ng isang kasabihan patungkol sa pag-ibig

- At naglabas na ng kaniyang statement si Kylie Padilla

Pumutok ang balita ng kumpirmasyon ng hiwalayan ng mag asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla matapos itong kumpirmahin ni Robin Padilla.

Sa vlog kasi ni Ogie Diaz ay deretsahang sinabi ni Robin na hiwalay na nga ang anak niya sa asawa nitong si Aljur, at diin pa nito na si Kylie raw ang nagdesisyong makipag hiwalay.

Matatandaang noong February ng taong ito ng unang pumutok ang issue matapos na magbahagi ni Kylie ng ilang cryptic post ngunit agad namang nabura ang isyu matapos na mag post sila ng kanilang family picture.

Dahil sa pag amin na ito ni Robin ay muli na naman silang napag uusapan at talagang mapapasakit sa ulo si Kylie Padilla kagaya ng kaniyang IG story.

"Sakit ng ulo ko besh," caption ni Kylie dito na mahihinuhang patungkol sa kontrobersiya nilang mag asawa ang pinatutungkulan nito.


Samantala si Aljur naman ay nagbahagi ng isang kasabihan sa kaniyang IG story.

"You don't love the beautiful, whoever you love becomes beautiful. Love gives beauty to everything."


Samantala nagbahagi na ng kaniyang statement si Kylie Padilla patungkol sa isyu:

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal. We forget the kids and people that are involved,” ani Kylie.

“All we need right now is respect—first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and to our families from both sides who have guided us along the way.

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us. Thank you for your love and support,” dugtong pa nito.