Robin Padilla, kinumpirma ang hiwalayan ng anak na si Kylie Padilla sa asawang si Aljur Abrenica

Robin Padilla, kinumpirma ang hiwalayan ng anak na si Kylie Padilla sa asawang si Aljur Abrenica

Robin Padilla, kinumpirma ang hiwalayan ng anak na si Kylie Padilla sa asawang si Aljur Abrenica
- Kinumpirma ni Robin Padilla ang hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

- Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ibinahagi ni Robin ang nalalaman niya hingil dito

- Dagdag pa ni Robin na si Kylie umano ang nakipaghiwalay kay Aljur

Sa latest vlog ng showbiz personality na si Ogie Diaz ay nakapanyam naman nito ang asawa ni Mariel Rodriguez na si Robin Padilla.

Dito ay kinumpirma ni Robin ang paghihiwalay ng kaniyang anak na si Kylie Padilla at sa asawa nitong si Aljur Abrenica.

"Una, walang sinasabi yung anak ko. Kasi yun naman, noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, 'Agrabyado ka ba?'

"O di naman daw, 'Okay lang ako Pa.' Tas ito, tinanong ko rin siya ulit, 'Anak, agrabyado ka ba?' 'Hindi pa, ako nakipaghiwalay eh,'" dugtong pa nito.

Ani pa ni Robin na hindi umano siya namagitan pa sa dalawa kahit pa may minsang nais umano siyang kausapin ni Aljur hingil sa pinagdadaanan nilang mag asawa.

"Wala naman papel ang tatay dun. Hindi ka dapat makialam. Away ng mag-asawa yun eh, may mga anak pa. Masakit syempre, sa akin."

"Tsaka syempre walang sakitang pisikal, ako yun lang naman sinabi ko kay Aljur eh. Kasi tumatawag sa akin si Aljur eh. 

"Di ko sinasagot, minessage ko lang siya. Sabi ko, 'Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya yan.'"

Panoorin ang vlog dito ni Ogie Diaz: