Pamilya ni Angelito na ipinakulong ni Hazel dahil sa pagbalik ng cellphone nito, Nagpa Raffy Rulfo na

Pamilya ni Angelito na ipinakulong ni Hazel dahil sa pagbalik ng cellphone nito, Nagpa Raffy Rulfo na

Pamilya ni Angelito na ipinakulong ni Hazel dahil sa pagbalik ng cellphone nito, Nagpa Raffy Rulfo na
- Dumulog sa programang Raffy Tulfo ang pamilya ni Angelito Martin upang humingi ng tulong

- Ito ay matapos na makulong si Angelito dahil sa pagpapakulong sa kaniya ni Hazel Grace sa pinag uusapang cellphone nito

- Nanindigan ang dalawang kampo sa mga nauna nilang pahayag patungkol sa nangyari

Dumulog na sa sumbungan ng bayan na Raffy Tulfo in Action ang pamilya ni Angelito Martin upang matulungan ito sa sitwasyong kinakaharap niya.

Ito ay matapos na makulong si Angelito ng ibinalik niya ang cellphone ng sikat na Tiktokerist na si Hazel Grace.


Sa kwento ni Hazel Grace ay nawala umano ang kaniyang cellphone, hindi niya tiyak kjng naiwan niya ito sa taxi na sinakyan o habang nasa Divisoria na sila.

Tinext at tinawagan niya umano ang kaniyang cellphone niya at dito naka usap niya ang kampo nina Angelito at sinasabing bigyan niya umano ng pabuya ang mga ito upang maibalik ang kaniyang cellphone.

Pinagtibay o pinanindigan ni Hazel Grace ang nauna na nilang ibinahagi sa social media kung saan humingi umano ang kampo ni Angelito ng P50,000 upang ibalik ang cellphone niya kung hindi ay gagahasain nila ito at pupuntahan sa bahay.

Kaya dito ay ipahuli ni Hazel si Angelito dahil sa ginawa o sinabi nito sa kaniya.

Samantala pinagtibay at pinanindigan din ng pamilya ni Angelito na pawang kasinungalingan lamang ang sinasabi ni Hazel at tila gawa gawa lamang nito ang mga sinasabi niya.

Dahil hindi malaman ng Team RTIA kung sino sa dalawang kampo ang nagsasabi ng totoo ay nagkasundo ang mga ito na mag pa Lie detector test.

Kapag napatunayang nagsisinungaling ang kampo ni Hazel Grace ay tutulungan umano ni Raffy na makalaya si Angelito, at kapag ang kampo naman ni Angelito ang napatunayang nagsisinungaling ay hahayaan na ito ng kampo ni Raffy at tatapusin na ang kung anumang sumbong sa kanila.