Lasing na Pulis walang awang sinabunutan at binaril ang isang Lola na nasa tapat lang ng bahay nito

Lasing na Pulis walang awang sinabunutan at binaril ang isang Lola na nasa tapat lang ng bahay nito

Lasing na Pulis walang awang sinabunutan at binaril ang isang Lola na nasa tapat lang ng bahay nito
- Lasing na naglalakad ang isang pulis padaan sa bahay ng lolang binaril nito

- Nang makarating ang pulis sa kinaroroonan ng matanda ay hinablot niya ang ulo nito at sinabunutan

- Pagkatapos nitong sinabunutan ang matanda ay walang awang binaril nito ang ulo

Nakakapanginig ng katawan ang pangyayaring sinapit ng isang matandang babae na kinilalang si Lola Lilybeth Valdez, 52 years old sa Quezon City matapos na mabawian ng buhay dahil sa kagagawan ng isang pulis.

Ang pulis na kinilalang si Police Master Sergeant Hensie Zinampan ng Police Security and Protection Group (PSPG) ng Camp Crame.

Ayon sa ulat at base na rin sa video na nakuhaan ang buong pangyayari ay nasa labas lamang ng bahay niya ang isang lola kasama ang anak nito nang tila puntahan sila ng lasing na pulis na si Zinampan.

via ABS-CBN News, lugar kung saan nangyari ang krimen

Dito nga ay hinablot niya ang matanda at sinabunutan pa, nagsalita pa ang matanda na nagsilbing mga huling kataga niya bago mabawian ng buhay.

"Sir wag nyo naman akong sabunutan sir," ani ng matanda at walang anu-ano'y tinitukan na siya ng baril ni Zinampan at walang pag-aalinlangang binaril ito sa ulo.

screenshot ng aktuwal na video

Itinanggi pa ng pulis ang ginawa niyang pagbaril sa matanda ngunit hindi niya alam na nakuhanan pala ng video ang buong pangyayari na ginawa niya.

Nahaharap sa kasong Murder ang nasabing pulis na nasa kamay na ngayon ng mga kapwa nya pulis.

Dahil sa sensitibong laman ng video ay hindi namin ito maipapaskil dito, maaari itong mapanood sa link na ito: Here