Dating post ng Pulis na pumatay sa isang Lola, Trending! "I AM A PROUD GOOD COP"

Dating post ng Pulis na pumatay sa isang Lola, Trending! "I AM A PROUD GOOD COP"

Dating post ng Pulis na pumatay sa isang Lola, Trending! "I AM A PROUD GOOD COP"
- Trending ngayon ang lumang post ni Hensie Zinampan, ang pulis na pumatay sa isang Lola

- Sa kaniyang facebook post ay taas noo nitong pinagmamalaki ang pagiging isang pulis niya

- Sinabi rin niya na ang kasalanan ni Nuesca ay hindi kasalanan ng lahat ng pulis

Trending na ngayon ang lumang post ng pulis na si Hensie Zinampan, ang pulis na pumatay kay Lola Lilybeth ng Quezon City.

Sa nasabing facebook post niya ay 'taas noo' umano niyang paninindigan ang pagiging isang mabuting pulis niya.

Nabanggit pa nga niya ang kapwa pulis niyang si Jonel Nuesca na siyang pumatay naman sa isang mag-ina noong Disyembre 2020.

Sa kaniyang post ay nagpakilala pa ito at sinabing buo ang dedikasyon niya sa pagiging isang pulis, "I am PMSg Hensie A. Zinampan 14 years in serving and protecting.

"Taas noo kong pinapanindigan ang integridad ng aking uniporme, Buong puso ang dedikasyon sa trabaho. I AM PROUD TO BE A GOOD COP.

"While there are unfortunate incidents like this, the vast majority of you, PNP perform their sworn duties everyday with honor and integrity to protect and serve the people."

At dito nga ay sinabi niya na hindi umano siya kagaya ni Nuesca, ang kasalanan umano nito ay hindi kasalanan niya at ng mga kasamahan nya sa pulisya.

"The sin of Nuesca is not the sin of the entire PNP, as we have seen during the past disasters and this pandemic, we place our lives on the line as first responders and frontliners."

Kaakibat pa ng facebook post niya ang iba't-ibang hashtags ng pagpapakita kung gaano siya ka-proud sa pagiging isang pulis niya.


Nahaharap ngayon sa kasong Murder si Zinampan matapos na walang awa niyang patayin si Liliybeth Valdez, 52 years old.

Source: Facebook post of Hansie Zinampan