Sweet!, Magjowang Gerald Anderson at Julia Barretto, magkasamang nag work-out

Sweet!, Magjowang Gerald Anderson at Julia Barretto, magkasamang nag work-out

Sweet!, Magjowang Gerald Anderson at Julia Barretto, magkasamang nag work-out
- Sa latest vlog ni Gerald Anderson ay ibinahagi nito ang workout routine niya

- Bukod kay Gerald ay isinama rin niya ang kasintahang si Julia Barretto

- Matapos mag workout ay sabay din itong naligo sa swimming pool

Tunay ngang namumutawi ang pagmamahalan sa magkasintahang sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sa latest vlog kasi ni Gerald ay ibinahagi nito ang workout routine niya, kasama ang kaniyang girlfriend na si Julia Barretto.

Mapapanood ang masayang pagwo work-out ng dalawa na talaga namang couple goals!.

"She survived My Workout!," Ito pa nga ang titulo ng vlog ni Gerald dahil sa masayang pagkaka survived ni Julia sa intense workout ng boyfriend.

Matapos na mag work out ay mapapanood din dito ang masayang pagtatampisaw nilang dalawa sa swimming pool.

Pagkatapos ang masayang pag su-swimming ay ipinagluto naman ni Julia ang boyfriend niya ng 'Chicken Salpicao', na siyang pinagsaluhan nilang dalawa.

So sweet!, Panoorin ang kabuuan ng kanilang vlog dito: