Roxanne Barcelo nanganak na, nagsilang ng isang malusog na Baby Boy

Roxanne Barcelo nanganak na, nagsilang ng isang malusog na Baby Boy

Roxanne Barcelo nanganak na, nagsilang ng isang malusog na Baby Boy
- Nanganak na ang sikat na aktres na si Roxanne Barcelo

- Sa kaniyang Instagram account ibinahagi nito ang magandang balita

- Unang ibinalita ni Roxanne ang pagbubuntis niya nitong Enero ng tapng ito

Nanganak na ang ex-PBB housemate na si Roxanne Barcelo, 36 sa kaniyang unang baby.

Ito ang magandang balita na ibinahagi ng aktres sa kaniyang social media accounts nitong araw lamang.

"Here's to the rest of our lives @dababycinco," caption ni Roxanne sa picture niya habang karga karga niya ang bagong silang niyang baby boy.



Wala namang ibang detalye pang ibinahagi ang aktres tungkol sa kaniyang anak maliban sa hospital gown na suot nito na nagsasabing sa Makati Medical Center siya nanganak.

Matatandaang nitong January 2021 ng ibinahagi ni Roxanne ang kaniyang pagbubuntis, isang buwan matapos ang kaniyang private wedding.

Pinaka tumatak ang aktres dahil sa matagumpay niyang pag ganap bilang si Natalie na isang kontrabida sa hit revenge drama na 'Wildflower'.