John Prats, isa na sa mga direktor ng It's Showtime

John Prats, isa na sa mga direktor ng It's Showtime

John Prats, isa na sa mga direktor ng It's Showtime

- John Prats pasok bilang bagong Direktok ng noontime show na 'It's Showtime'

- Sa pagpasok nito ay ang pagpasok din ng pinakabagong segment nito na 'ReIna ng Tahanan'

- Matatandaang nauna na itong hinangaan sa pagkaka direk niya ng 'Christmas Special' ng ABS-CBN

Nitong Sabado, May 29, 2021, inilunsad ng noontime variety show ng ABS-CBN Entertainment na It's Showtime ang bago nitong segment na nagbibigay-pugay sa mga nanay, ang "ReIna ng Tahanan".

Nakatanggap ang nasabing segment ng magandang feedback mula sa netizens dahil magandang simulain ito para pahalagahan ng bawat pamilya ang sakripisyo, pagaaruga at pagmamahal ng isang ina.

Isa pa sa napansin ng netizens ang tila-swabe at magandang anggulo ng mga kamera at shifting ng bawat gap ng hosts na lalong nagpamangha sa kanila.

Ito ay dahil sa isa sa mga naging direktor ng Showtime, ang aktor na si John Prats.


Bukod sa pagiging isa sa seasoned Kapamilya actors si John at isa na rin ito sa maituturing na new breed ng direktor sa mga concert, TV shows at specials dahil sa mga refreshing idea nito upang lalong gumanda ang produksyon ng palabas.

Matatandaang si John Prats rin ang nagdirek ng ABS-CBN Christmas Special noong December 2020, na halos tambakan na sya ng magagandang feedback at papuri mula sa mga katrabaho, manonood at netizens.

Dahil na rin sa galing ni John Prats, sa tingin ng ilang netizens at pwede silang magtulungan o ika nga ay magsanib-pwersa ng isa pang direktor ng Showtime na si Boyet Baldemor, na pumalit sa pwesto ng 11-year mentor ng palabas na si Bobet Vidanes.

Sa ngayon, bukod sa kanyang current role sa FPJ's Ang Probinsyano, nakatakda rin s'yang magdirek ng "Gandemic" virtual concert ng isa sa Showtime hosts na si Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda.