Rabiya Matteo humingi ng paumanhin sa mga nadismaya sa kanya sa National Custome competition ng Miss U

Rabiya Matteo humingi ng paumanhin sa mga nadismaya sa kanya sa National Custome competition ng Miss U

Rabiya Matteo humingi ng paumanhin sa mga nadismaya sa kanya sa National Custome competition ng Miss U
- Sa isang quick live IG ni Rabiya Matteo ay humingi ito ng paumanhin sa mga nadismaya sa kaniya

- Marami kasi ang hindi natuwa sa pagdadala umano ni Rabiya ng costume niya para sa Miss Universe National Costume 

- Umiiyak itong nag sorry sa lahat nang na-dissapoiny umano niya

Nitong nagdaang umaga nga lamang ay naganap na ang National Costume competition para sa inaabangang Miss Universe 2020 at dito nga ay sumabak na ang ating pambatong si Rabiya Matteo.


Ngunit sa kabila ng magandang ginawa ni Rabiya ay marami pa rin ang nam-bash sa kaniyang naging performance.

Kaya naman umiiyak na humingi ng paumanhin si Miss Universe Philippines Rabiya Matteo sa isang quick live Instagram nito.

Humingi ito ng paumanhin sa mga pinoy na na-dissapoint umano sa naging performance niya sa National Costume competition.

"I'm so sorry kung na-dissapoint man kayo sa akin but I know na I did my best, I even caught my fingers earlier and yung stockings ko puno na rin siya ng dugo," umiiyak na sabi ni Rabiya sa kaniyang IG Live.

"But i kept fighting, kahit wala nang oras i didn't have time to retouch my hair, to retouch my make-up," dagdag na paliwanag ni Rabiya.

Nagpasalamat naman siya sa iba na natuwa sa kaniyang performance.

Panoorin ang kabuuan ng kaniyang pahayag dito: