Babaeng nakipag usap sa may-ari ng Community Pantry nagalit matapos hindi mapagbigyang ipa-deliver ang ayuda

Babaeng nakipag usap sa may-ari ng Community Pantry nagalit matapos hindi mapagbigyang ipa-deliver ang ayuda

Babaeng nakipag usap sa may-ari ng Community Pantry nagalit matapos hindi mapagbigyang ipa-deliver ang ayuda
- Trending at usap usapan na ngayon ang usapan ng dalawang netizens patungkol sa ayuda sa Community Pantry

- Nakipag ugnayan ang isang babae sa may-ari ng isang Community Pantry kung maaari silang makahingi ng ayuda

- Ngunit nais ng babae na ipa deliver sa bahay nilanang naturang ayuda at dapat daw na pang 16 katao ang ipadadala sa kanila

Trending na nga at usap usapan ngayon ang pakikipag usap ng isang netizen na nag ngangalang 'Mel Fajardo' sa isang may-ari ng Community Pantry.

Ayon sa post ni Sofia Madrigal na siyang may-ari ng Community Pantry ay nag message sa kaniya ni Mel Fajardo.

Tila nga nag-init ang ulo ni Sofia matapos na tila nagalit pa sa kaniya si Mel matapos na hindi nito kayang magawa ang hinihiling na ayuda ni Mel.

Sa naging usapan nina Sofia at Mel ay nakipag-ugnayan si Mel sa may-ari ng Community Pantry na si Sofia at humihingi ng tulong na kung maaari ay mabiyayaan sila ng ayuda mula sa pantry nito.

Malugod namang sinabi ni Sofia na welcome sila lalo pa at ang pantry niya ay para sa lahat, ngunit nasa Alabang ang naturang pantry ni Sofia samantalang nasa Bicutan naman si Mel.

Dahil sa malayong lugar ay sinabi na lamang ni Mel na ipa-deliver na lang ni Sofia ang ayuda sa kanila na malugod pa ring sinang-ayunan ni Sofia.

Ngunit tila sumobra na si Mel ng hilingin nitong ipa deliver sa kanila ang ayuda para sa 16 na katao na bilang umano ng kaniyang pamilya, ngunit nakakabilib ang kabaitan ni Sofia at siya na mismo ang nagsabing gagawan niya umano ng paraan ngunit made delay umano ito.



Matapos malaman ni Mel na made delay ang pa ayuda nito ay nagalit ito at sinabing "Tagal!, Mamamatay na kami niyan, wag na lang po salamat na lang".



At tila hindi pa natapos dito si Mel at pinangaralan pa mismo si Sofia at sinabing, "Ate community pantry po para yan sa lahat hahaha ano ba yan hindi naman pala kaya sana hindi na lang nag community pantry".



At sa huli pa nga ay tila si Mel pa ang naabala sa nangyaring ito at sinabing: "Wag na lang ibigay mo na lang sa dukhang nangangailangan puro yabang hindi naman pala kaya!".



Marami nga ang nagalit sa ini-asta ng hahaeng si Mel Fajardo na bibigyan na lamang nga ng ayuda ay siya pang mapili at mapagmataas.

Source: Facebook/Sofia M. Madrigal