Rabiya Matteo kauna-unahang Miss Universe 2020 candidate na naka 1M followers

Rabiya Matteo kauna-unahang Miss Universe 2020 candidate na naka 1M followers

Rabiya Matteo kauna-unahang Miss Universe 2020 candidate na naka 1M followers
- Kasabay nga ng pagsisimula ng patimpalak para sa Miss Universe ang kasiyahan ni Rabiya Matteo sa Social Media

- Si Rabiya Matteo ang most followed Miss Universe 2020 candidate na unang nagkamit ng 1M Followers sa IG

- Mahigit sa 500k ang lamang nito sa pumapangalawa lamang sa kaniya

Nagsimula na nga ang patimpalak para sa bagong kokoronahang Miss Universe para sa taong 2020.

At talaga nga namang stand-out ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Matteo.

Ngunit bukod sa nasabing patimpalak ay humamig na agad ng pagkapanalo si Miss Universe Philippines Rabiya Matteo pagdating sa pinakamarami at may pinakamalaking tagahanga sa buong mundo.

Siya kasi ang kauna-unahang Miss Universe 2020 candidate na nakalikom ng 1Million Followers sa Instagram.

"Woke up with 1 Million followers! You guys are the best. Sending love to the rest of the universe. Today is a big day. Please pray for us [heart emoji]," ani ni Rabiya sa kaniyang Instagram post.

Labis Labis nga ang pasalamat ni Rabiya sa Filipino Fans na all-out ang suporta sa kaniya upang masungkit niya ang ikalimang korona ng bansa pagdating sa Miss Universe pageant.

Samantala ang pumapangalawa sa listahan ng most followed Miss Universe 2020 candidate ay si Miss France Amandine Petit na may mahigit 567,000 followers sa kasalukuyan.

Magaganap ang Miss Universe 2020 Live na Live ngayong lunes, May 17, 2021 8AM dito sa Pilipinas.