Mystica ipinagtanggol si Rabiya, pinag-mumura pa si Jam Magno!

Mystica ipinagtanggol si Rabiya, pinag-mumura pa si Jam Magno!

Mystica ipinagtanggol si Rabiya, pinag-mumura pa si Jam Magno!
- Hindi ikinatuwa ni Mystica ang di-umano'y pambabastos ni Jam Magno kay Miss Universe Philippines Rabiya Matteo

- Hindi nga nito pinalampas ang mga sinabi ni Jam Magno laban kay Rabiya dahil sa paninindigan nito

- Kaugnay ito sa naunang pahayag ni Rabiya nang hindi ito sumang-ayon sa opinyon ni Duterte hingil sa kawalan ng lakas ng kababaihang mamuno

Hindi napigilan ni Mystica ang sarili na supalpalin at pagsalitaan ang Tiktokerist na si Jam Magno matapos na lait laitin nito si Rabiya Matteo.

Ani ni Mystica ay hindi dapat pinapaki-alaman ni Jam Magno ang opinyon ni Rabiya patungkol sa naging pahayag noon ni President Duterte.

Ayon kasi kay Pres. Duterte na hindi umano pambabae ang pagiging isang 'Presidente' at wala umanong kakakayahan ang isang babae na mamuno.

Sinalungat nga ito ni Rabiya ay sinabing sa kaniyang opinyon ay may kakayahan ang lahat maging ang kababaihan na mamuno at maging isang presidente.

Na siya namang sinalungat ni Jam Magno, matapos nga nito ay samu't-saring pambabastos na ang ibinato nito kay Rabiya kung saan maging ang pananamit nang dalaga ay pinapansin pa nito.

Sa isang video nga ay hindi napigilang pangaralan ni Mystica si Jam Magno, pinagmumura pa nga niya ito at sinabing huwag umanong pagsalitaan ng masama si Rabiya dahil sa pagkaka-iba ng opinyon nito.

Panoorin ang kabuuan ng video dito: