Aliw!, Slides ng isang Swimming Pool usap-usapan dahil sa istruktura nito na diretso langit daw ang punta?

Aliw!, Slides ng isang Swimming Pool usap-usapan dahil sa istruktura nito na diretso langit daw ang punta?

Aliw!, Slides ng isang Swimming Pool usap-usapan dahil sa istruktura nito na diretso langit daw ang punta?
- Kinaaaliwan ngayon ang isang slide ng isang swimming pool dahil sa istruktura nito.

- Sa larawan kasi nito ay mapapansin na tila didiretso ka sa pader matapos mong magpa dulas dito

- Biro tuloy nang netizens na diretso Langit ka pagka dulas mo dito

Usap usapan nga sa social media ang isang slide ng swimming pool sa isang resort ng Pansol.

Sa larawang ibinahagi nang naturang resort ay makikita na tila ba kakaiba ang isruktura ng isa sa mga slides nito, kung saan mapapansin na tila diretso sa pader ang hulog mo imbes sa swimming pool.

credit to Pansol Resorts

Umani nga nang iba't-ibang kumento ang naturang litrato kung saan marami ang nag biro at sinabing tila papuntang langit ang kahahantungan nang magpapadulas dito.

"Sa unang labas, utak labas"

"slide tas pagkaahon mo, nasa harapan mo na si san pedro tas pinasa ka sa impyerno kase di ka daw pasok sa langit"

"yan yung pag nag slide ka yung saya abot langit talaga HAHAHAHAHA"

"Pag slide mo, diretso ka na sa kabaong. Jk"

"Ang dami nanamang wala magawa pati ito sinugod na.. pero ang cute mahapdi na may kunting bali ibibigay sayo haha"

Agad namang nag kumento ang naturang page at nagbahagi nang panibagong anggulo ng litrato at sinabing pa curve umano ang naturang slide.

credit to Pansol Resorts

"Another view po... Pacurve po ang slide," ani nang Pansol Resort.

Ngunit malikot at talaga namang mapagbiro ang mga pinoy at agad na nag reply ang mga ito ng:

"Wehh biglang adjust ng slide eh no."

Sourcr: Facebook/ Pansol Resorts Page