Matapos mabigo sa Miss U, Boyfriend ni Rabiya Matteo nagbahagi ng simpleng mensahe sa jowa

Matapos mabigo sa Miss U, Boyfriend ni Rabiya Matteo nagbahagi ng simpleng mensahe sa jowa

Matapos mabigo sa Miss U, Boyfriend ni Rabiya Matteo nagbahagi ng simpleng mensahe sa jowa
- Nabigo ngang masungkit ni Rabiya ang korona ng Miss Universe 2020

- Nagbahagi ng isang simpleng mensahe ang boyfriend ni Miss Universe Philippines Rabiya Matteo

- Maikli ngunit makahulugan nga ang naging pahayag ni Niel John Fel sa kasintahang si Rabiya Matteo

Sa kakatapos nga lamang na Miss Universe 2020 ay nabigong makapasok sa Top 10 ang ating pambatong si Rabiya Matteo.

Ngunit sa kabila ng lahat nang ito ay masaya at proud ang lahat sa naging pakikipaglaban ni Rabiya Matteo para sa ating bansa lalo pa't nakapasok siya sa Top 21.

Samantala sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng maikli ngunit makahulugang mensahe ang boyfriend ni Rabiya Matteo.

Sa IG story niya ay nagbahagi si Niel John Fel ng isang maiksing katagang "Padayon", kaakibat pa ang equivalent meaning nito sa panulat na baybayin.



Ang salitang 'Padayon' ay nakagawian nang kataga ng mga Ilonggo kung saan ang katumbas nito sa tagalog ay 'Ipagpatuloy lang' o 'Keep Going'.

Isang salita na nagpapataas pa rin ng confidence sa taong sinasabihan nito sa kabila ng hindi inaasahang pangyayari.

Kagaya na lamang ng pagkabigo ni Rabiya sa kompetisyon sa Miss Universe 2020, 'Padayon' lang Rabiya!

Sina Rabiya Matteo at Niel John Fel ay mahigit anim na taon nang magkasintahan at patuloy pa rin ang matatag na relasyon nila sa isa't-isa.