MJ Lastimosa trending dahil sa sinabing panggagaya ni Miss Thailand kay Catriona Gray

MJ Lastimosa trending dahil sa sinabing panggagaya ni Miss Thailand kay Catriona Gray

MJ Lastimosa trending dahil sa sinabing panggagaya ni Miss Thailand kay Catriona Gray
- Usap usapan ngayon ang naging opinyon ni dating Miss Universe PH candidate na si MJ Lastimosa

- Sa isang video kasi ay mapapanood na sinabi ni MJ na ginagaya umano ni Miss Thailand si Catriona Gray

- Agad naman nitong nilinaw na hindi naman niya umano minamasama ang pangga gayang ito ni Miss Thailand

Usap usapan nga ngayon ang mapangahas na kumento ni dating Miss Universe PH candidate na si MJ Lastimosa na kaniyang ibinahagi sa social media.


Sa nagaganap kasing 69th Miss Universe preliminaries ay naroon si MJ sa audience at isa sa nga nanonood ng live kasama ang Miss Universe Philippines organization head Shamcey Supsup.

Sa nasabing video ay pinapanood ni MJ ang paglalakad ni Miss Thailand para sa evening gown competition kung saan napabulalas ito ng, "Ay Catriona?".

Habang sa swimsuit competition naman ay muling nagkumento si MJ sa naturang paglalakad ni Miss Thailand na gayang gaya kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

"Ginaya niya si Catriona maglakad. Ganyan si Catriona eh, Di ba pati tumingin oh, inaral niya si Catriona lahat 'yung sa tingin, 'yung hair, 'yung ulo," ani nito.

Agad ngang nilinaw ni MJ na hindi naman umano niya minamasama ang bagay na ito, aniya ay opinyon nya lamang ito ng makita nya sa malapitan si Miss Thailand.

“Hindi po ako nang-aaway, normal naman pag-aralan mga past queens. I just can see Cat on her I also watched Cat live in Thailand eh. I also studied Dayana Mendoza, love her to death,” paliwanag nito.