Miss Universe PH Rabiya Matteo bigong makapasok sa Top10

Miss Universe PH Rabiya Matteo bigong makapasok sa Top10

Miss Universe PH Rabiya Matteo bigong makapasok sa Top10
- Nakapasok sa Top21 si Miss Universe Philippines Rabiya Matteo

- Ngunit bigo itong makapasok sa Top10

Masayang nakapasok nga sa Top21 si Miss Universe Philippines Rabiya Matteo sa kasalukuyang ginaganap na Miss Universe 2020.

Matapos ang Top21 announcement ay rumampa ang natitirang 21 candidates kabilang na nga si Rabiya Matteo.



Pagkatapos nito ay tinawag ang Top 10 kung saan ay bigong makapasok ni Rabiya Matteo.

Ang mga nakapasok sa Top 10 sina Miqueal-Symone Williams ng Jamaica, Kimberly Jimenez ng Dominican Republic, Adline Castelino ng India, Janick Maceta Del Castillo ng Peru, Maria Thattil ng Australia, Estefanía Soto Torres ng Puerto Rico, Amanda Obdam ng Thailand, Ivonne Cerdas ng Costa Rica, Andrea Meza ng Mexico, at Julia Gama ng Brazil.

Hindi man nakapasok si Rabiya Matteo sa Top 10 at hindi nasungkit ang korona ay nakaka proud pa rin ang kaniyang pinakitang galing sa kumpetisyon.

Ito na ang ikalawang taon na hindi nakapasok sa Top5 ang Miss Philippines sa Miss Universe.