John Lloyd Cruz, sa Kapuso Network na ba magka-comeback?!

John Lloyd Cruz, sa Kapuso Network na ba magka-comeback?!

John Lloyd Cruz, sa Kapuso Network na ba magka-comeback?!
Halos limang taon ang nakalipas mula noong huli nating nasilayan sa telebisyon o pelikula ang aktor na si John Lloyd Cruz, na minsan nang hinangaan nang marami dahil sa natatanging husay nito sa pag-arte, na umani naman ng sari-saring pagpuri at parangal sa panahon ng kanyang kasikatan.

2017 pa ang kanyang huling proyekto, ang Finally Found Someone na Star Cinema-Viva movie nila ni Popstar Royalty Sarah Geronimo, hanggang sa ginulat n'ya ang buong industriya noong October 2017 nang inihayag n'ya ang kanyang "indefinite leave of absence" sa showbiz at sa ngayo'y kanyang dating talent agency na naghubog at naghasa sa kanyang kakayahan sa pag-arte, ang Star Magic.

Napag-alaman din ng marami na pinili na lang ni Lloydie na mamuhay nang normal at pribado kasama ang dating kasintahan nitong si Ellen Adarna, kung saan ay nagkaroon pa sila ng anak, si Elias.

Sa kanyang pagpirma ng kontrata sa ilalim ng bagong talent agency na Crown Artist Management, Inc. na pagmamay-ari ni Kapatid actress Maja Savador at nobyong si Rambo Nuñez, mukhang magsisimula ang sinasabing "pagbabalik-showbiz" ni Lloydie sa isang pasabog na tyak daw na ikayayanig ng buong industriya.

Ito ay matapos s'yang makita sa isang meeting kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame at Direk Edgar "Bobot" Mortiz. Kaya maraming napapaisip kung ito ba ang hudyat na maaring masilayan s'ya sa naturang programa ng GMA Network.

'Di pala yun ang unang pagkakataon na nag-usap nang masinsinan sina Lloydie at Kuya Wil.

Sa May 19 episode ng Wowowin, ibinahagi ni Kuya Wil ang pag-uusap nila ni Lloydie sa Puerto Galera noong May 18, at naikwento nya kung ano raw ang nangyari at huminto si Lloydie sa showbiz noong mga panahong 'yun.

Ayon sa TV host, "Tinanong ko siya, 'Bakit ka ba huminto?' Maganda 'yung mga rason niya eh."

“'Burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. 'Pag gising ko, shooting. 'Pag tulog ko, 'pag gising ko, shooting.' 'Yun bang binigyan niya ng halaga 'yung sarili niya. Dapat ganyan din tayo eh,” dagdag pa ni Kuya Wil.

Kaya sa pag-uusap nilang yun, ito na ba ang "hint" na makikita ang premyadong aktor na si John Lloyd Cruz sa ilang palabas sa Kapuso Network gaya ng Wowowin o 'di kaya ay gagawa na ng teleserye bilang Kapuso?!

Paano na kaya ang sana ay Star Cinema nila ni Bea Alonzo, na kamakailan lang ay nilayasan na rin ang Star Magic para umanib sa talent agency ni Shirley Kuan, tuloy pa ba kaya yun?!

Kaya kung anuman po ang magiging desisyon ni Lloydie, nakakalungkot man po, ay tatanggapin na lang po natin. Gaya ng kanyang pamosong linya sa isang patalastas... INGAT!