Desiree Del Valle buntis na!, Boom Labrusca happy sa kaniyang mag-ina

Desiree Del Valle buntis na!, Boom Labrusca happy sa kaniyang mag-ina

Desiree Del Valle buntis na!, Boom Labrusca happy sa kaniyang mag-ina
- Masayang ibinalita ng mag-asawang Boom at Desiree ang pagdating ng kanilang unang anak

- Sa kanilang Instagram account kapwa nila ibinahagi ang magandang balita

- April 22 ng taong ito ng kanilang malaman ang naturang balita

Sa kapwa Instagram account nilang mag-asawa ay masayang ibinahagi nina Boom Labrusca at Desiree Del Valle ang magandang balita.

17 Weeks na kasing nagdadalang tao si Desiree para sa unang anak nila ng asawang si Boom Labrusca.

via Boom Labrusca IG account

"Believe in what you Pray for," ani ni Boom sa kaniyang caption kaakibat pa ang isang quote mula sa bible na: " At the right time , I , the Lord will make it happen " Isaiah 60:22.

Nagpasalamat ito sa may kapal sa magandang regalong ibinigay sa kanila.

via Boom Labrusca IG account

"Salamat po Ama, Cant wait to see you baby," ani pa niya at isiniwalat na ngayong araw din ang kaarawan ni Desiree (May 28), "Btw it is also my darling's b-day today, So Happy Happy bday to my best friend ,my wife , my Life".

Ibinahagi rin ni Desiree ang naturang mga larawan at caption ng asawang si Boom sa sariling IG account at nagpasalamat ito rito.

Bago pa man ang post na ito ay una nang nagbahagi ng mga litrato si Boom kasama ang asawang si Desiree, ang litratong iyon ay kuha mula sa seryeng 'Aryana' kung saan gumanap silang mag-asawa at makikitang nagdadalang tao ang karakter ni Desiree.

via Boom Labrusca IG

Tila nga nagkatotoo na ang nasabing role nila dahil inaabangan na nila ang pagdating ng kanilang panganay na anak.