John Lloyd Cruz, mapapanood muli sa GMA

John Lloyd Cruz, mapapanood muli sa GMA

John Lloyd Cruz, mapapanood muli sa GMA

Kinumpirma ni Wowowin host Willie Revillame na mapapanood na sa GMA ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Magiging panauhin ang premyadong aktor sa Shopee 6-6 Super Mega Sale Fiesta TV special kung saan si Kuya Wil ang host, na mapapanood sa Kapuso Network sa June 6 at gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang magiging kauna-unahang pag-apir ni Lloydie sa isang live show matapos s'yang magpahinga sa showbiz noong October 2017. Ang paglabas n'yang yun ang "pangalawa" sa GMA.

Nauna na s'yang lumabas noong 2004 sa "Sumalangit Nawa" episode ng Kakabakaba Adventures na palabas dati ng Kapuso Network na umere noong 2004 hanggang 2005.

Ibinahagi rin ni Kuya Wil na pumirma na ng kontrata si John Lloyd ng kontrata sa kanyang production company, na ginanap kagabi, May 29, sa Wil Tower Mall sa Quezon City. Saksi sa nasabing pagpirma ang mga executive ng Shopee at ang legal counsel ni Kuya Wil na si Atty. Ferdie Domingo.

Ayon kay Kuya Wil, "history" na maituturing ang pagpayag ng dating Kapamilya A-lister na mag-guest sa kanyang TV special, at sinasabi pa nito na marami pa raw aabangan at darating kasunod ng paglabas nito sa Kapuso Network.