FPJ's Ang Probinsyano, sasabak sa isang "mahaba-habang" lock-in taping

FPJ's Ang Probinsyano, sasabak sa isang "mahaba-habang" lock-in taping

FPJ's Ang Probinsyano, sasabak sa isang "mahaba-habang" lock-in taping


Ibinahagi ng aktres na si Yassi Pressman na sasabak sa isang mahaba-habang lock-in taping ang kanyang dating teleserye sa ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano".

Sa virtual media conference ng bagong game show ng TV5 na "Rolling In It: Philippines" na produced ng Viva Entertainment, kung saan s'ya ang host, natanong ng press kung may balak ba si Yassi, na gumanap na Alyana Arevalo-Dalisay sa naturang Kapamilya series, na gawing panauhin ang kanyang dating leading man na si Primetime King Coco Martin.

Ayon sa aktres, "Alam ko po may lock-in taping sila nang mahabang-mahaba. So baka tapos na 'yung show namin (bago sila matapos ng taping)."

Matatandaan sa isang panayam kay G3 San Diego, ibinahagi naman ni Angel Aquino (Gen. Diana Oligario sa FPJAP) na nasa "ending mode" na ang buong cast ang produksyon ng nasabing palabas ngunit wala pa silang ideya kung yun na ba ang kanilang huling taping o palalawigin pa ng management.

Mukhang dahil sa mga pahayag nito nina Yassi at Miss Angel, maaring abutin ang tinaguriang "longest-running primetime series" sa makabagong panahon na FPJAP ng kanilang ika-anim na taon sa Setyembre, at mukhang malaki ang magiging pasabog ng palabas kung sakaling ito na ba talaga ang "pagtatapos" nito.

Ngunit sa itinatakbo ng kwento ni Cardo Dalisay (Coco Martin), mapapansing mas gumaganda ang takbo nito lalo unti-unti nang lumilinaw ang totoong pakay ng Task Force Agila para sugpuin ang kasamaan ng mga kalaban nila gaya nina Renato Hipolito (John Arcilla), Lily (Miss Lorna Tolentino), at Lito Valmoria (Richard Gutierrez), at nadadagdagan pa sila ng celebrity guests kasama pa ang kani-kanilang kwento sa likod ng kanilang karakter.

Patuloy na pinapalabas ang FPJAP gabi-gabi, alas-8:00 ng gabi, sa A2Z Channel 11 at TV5 sa free TV at digital boxes, Kapamilya Channel at CineMo sa cable, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, at iWantTFC at TFC sa online, at available din ang naturang serye sa video and movie streaming app na WeTV iflix. Samantalang ang Pinoy franchise ng Rolling In It ni Yassi ay mapapanood na ngayong Hunyo sa Kapatid Network.