So Cute!, Pamimili ni Andi Eigenmann sa isang Sari-Sari Store kinaaliwan ng netizens

So Cute!, Pamimili ni Andi Eigenmann sa isang Sari-Sari Store kinaaliwan ng netizens

So Cute!, Pamimili ni Andi Eigenmann sa isang Sari-Sari Store kinaaliwan ng netizens
- Kina-aaliwan nga ngayon ang latest vlog ni Andi Eigenmann dahil sa simpleng pamumuhay nito

- Sa naturang vlog nga ay ipinakita ni Andi ang pagiging Island mom na niya

- Namimili pa ito ng sangkap para sa lulutuin niyang Tuna Spaghetti kung saan namili pa siya ng mga mumurahin upang umano'y makatipid

Kina-aaliwan nga ngayon ng mga netizens ang latest vlog ng dating aktres na si Andi Eigenmann dahil sa simple pa rin nitong pamumuhay.

Tila nga masayang masaya na si Andi sa paninirahan niya sa isla ng Siargao kasama ang fiancé niyang si Philmar.

Sa kaniya ngang latest vlog ay ipinakita nito ang kaniyang buhay sa loob ng isang araw bilang isang matapang na ina sa isla ng Siargao.



Sa naturang vlog nga ay kasa kasama niya sina Lilo at Koa habang naglalakad patungo sa isang sari-sari store upang mamili ng sangkap sa kaniyang lulutuing 'Tuna Spaghetti'.

At ang pinaka kinaaliwan nga nang netizens ay ang pamimili niya mga sangkap kung saan mas pinipili pa nga niya ang mga mumurahing sangkap.

Bagay na ikinatuwa ng lahat dahil sa pagiging matipid ng isang Ina! So Cute!

Panoorin ang kabuuan ng kaniyang vlog rito: