Kris Aquino nagsalita na laban sa bumabatikos sa mga anak: "OA sa pagka malicious!"

Kris Aquino nagsalita na laban sa bumabatikos sa mga anak: "OA sa pagka malicious!"

Kris Aquino nagsalita na laban sa bumabatikos sa mga anak: "OA sa pagka malicious!"
Inilabas na nga ngayong araw ni Kris Aquino ang video kung saan ibinahagi nito ang mensahe niya sa mga nambabatikos sa mga anak niya.

Hindi na raw kayang manahimik ni Kris Aquino sa mga gumagawa ng intriga lalo na sa kaniya at sa mga anak niyang sina Josh at Bimby na kamakailan lamang ay naging tampulan ng katuwaan ng iba dahil sa mga intrigang naibato sa kanila.

Inakusahan ang anak ni Kris na si Josh na nakabuntis umano ito samantalang ang bunsong anak na si Bimby naman ay naging tampulan ng panunukso dahil sa di-umano'y pagiging bakla nito.

“Nanay ako na binabalahura na ang mga anak. Sinubukan ko to shut up para ‘wag na ‘tong humaba but shutting up caused me even more stress, In just one week, OA sa pagka-malicious ang pag-target sa panganay at sa bunso ko. Inisip siguro kung mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla yung bunso, titiklop na yung nanay,” ani ni Kris.

from Kris Aquino video

Isiniwalat ni Kris na kasalukyang masaya ngayon si Josh na nasa Tarlac hindi para mag establish ng political presence.

"Kuya Josh happens to be very happy in Tarlac, he is not there para mag establish ako ng presence in the same province where my father and my brother started their public journeys"

Dagdag pa nga ni Kris ang nagpapakalat ng Fake News sa di-umano'y nakabuntis si Josh.

"Kahit walang pangalan, walang picture, walang detalye naglabas sa video sa Youtube na merong nabuntis si Josh."

“Bullying a 13-year-old dahil sa tingin nila bakla siya. Utang na loob naman. This is 2021. We are living in 2021.”

“Nakakahiya mang aminin pero siya ang gumagawa ng lahat ng paraan para lang gumaan yung mga problema ko at para mapaligaya niya ako.”

At dito nga ay isiniwalat na ni Kris na handa na siyang makipaglaban lalo pa at ang mga anak na niya ang siyang pinupuntirya.

“Hindi nila fault that they cannot count on their fathers. Hindi nila choice na ang nanay nila, ang apelyido ay Aquino, hindi nila kasalanan that the lies about my family will continue until history gets completely re-written.”

Panoorin ang kabuuan ng video dito: