Carla Abellana at Tom Rodriguez Engaged na!

Carla Abellana at Tom Rodriguez Engaged na!

Carla Abellana at Tom Rodriguez Engaged na!
- Masayang ibinahagi nina Carla at Tom ang kanilang pagkaka engaged

- Maraming artista ang bumati sa dalawa sa pagkaka engaged nila

- Nagbahagi ang mga ito ng masasayang picture nilang dalawa

Masaya ngang ibinalita ng dalawang kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang bagong happenings sa kanilang relasyon.

Kumpirmado nga na Engaged na ang dalawa sa isa't-isa.

Ibinahagi ni Carla sa kaniyang Instagram account ang litrato nilang dalawa ni Tom habang suot suot na niya ang kaniyang singsing.

Kaakibat pa ng post ang caption niyang: "A million times, YES" kasama ang ring emoji.

Kaparehong litrato rin ang siyang ibinahagi ni Tom Rodriguez sa kaniyang Instagram account.

Kaakibat pa nito ang caption na: "I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…”

Marami sa mga kaibigan nila ang masayang masaya sa kanilang engagement na mula pa sa magkakaibang network kagaya na lamang nina Denise Laurel, Joseph Marco, Maricar Reyes, Ruru Madrid at marami pang iba.

credit from Tom and Carla

Matatandaang mahigit sa 6 na taon na rin ang relasyon nila na ngayon nga ay mauuwi na sa kasalan.. Congratulations Carla and Tom.