Derek Ramsey, inaming si Ellen Adarna na ang "The One" na kaniyang hinahanap

Derek Ramsey, inaming si Ellen Adarna na ang "The One" na kaniyang hinahanap

Derek Ramsey, inaming si Ellen Adarna na ang "The One" na kaniyang hinahanap
- Kamakailan lamang ay inamin nina Derek at Ellen ang kanilang relasyon

- Inamin ni Derek Ramsey na si Ellen Adarna ang "The One" para sa kanya

- Nakapanayam ng isang online news magazine si Derek Ramsey at dito ay matapang niyang inamin ang pag-ibig kay Ellen

Nitong nagdaang araw lamang ay naging maugong ang pangalan nina Ellen Adarna at Derek Ramsey

Sa huling bahagi pa lamang ng Disyembre ay talaga namang usap usapan na ang dalawa dahil sa pagiging visible ng isa't-isa sa kani kanilang Instagram account.

Matatandaang kakagaling pa lamang ni Derek sa break up nito sa dating girlfriend na si Andrea Torres, samantalang si Ellen Adarna naman ay matagal tagal ng hiwalay kay John Lloyd Cruz.



Nitong nakaraang linggo lamang ay inamin na ng dalawa sa Entertainment Website na PEP na magkarelasyon na nga silang dalawa.

Inamin ng dalawa na mahigit sa isang buwan na rin silang mag dyowa.

"It's just nagkakilala kami, from the dinner, every day, workout."

"Uhm... may spark talaga. Sobrang laking spark." 

"We just really are enjoying each other’s company. Sobra. Like, walang dull moment. Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan... lahat meron na."

"May relasyon kami, oo!," Bahagi ng kanilang interview sa nasabing website.



Ngayon naman sa isang maiksing bahagi ng panayam na inilabas ng online news magazine na Mega Entertainment kay Derek Ramsey ay madirinig ang kaniyang interview.

"I think she's the one. And I say it's gonna happen quick, like no joke," pag amin nito.