Claudine Barretto tinawag na "Bad Influence" si Jodi Sta. Maria sa dating asawang si Raymart Santiago

Claudine Barretto tinawag na "Bad Influence" si Jodi Sta. Maria sa dating asawang si Raymart Santiago

Claudine Barretto tinawag na "Bad Influence" si Jodi Sta. Maria sa dating asawang si Raymart Santiago
- Claudine Barretto pinaratangan bilang Bad Influence si Jodi Sta. Maria sa dating asawang si Raymart

- Ibinunyag ni Claudine na hindi raw alam ng mga anak nila ang relasyon nina Jod at Raymart bago ito isina-publiko

- Unfair umano sa kaniyang mga anak lalo pa't alam ni Thirdy(Jodi's Son) ang pangyayari

Naging hot topic ngang muli si Claudine Barretto nitong mga nagdaang araw matapos nitong eklusibong magpa-interview sa isang Entertainment Page.

Sa Eklusibong interview niya sa Abante News Online talk show na "Abantelliling" ay pinatutsadahan nga niya ang dating asawang si Raymart at ang bagong girlfriend nito na si Jodi Sta. Maria.



Dito nga ay inamin niyang nalungkot siya sa naging unfair treatment ng dalawa sa kaniyang mga anak matapos na huli na nitong nalaman ang relasyon ng dalawa kumpara kay Thirdy na anak ni Jodi.

“Tinawagan ko si Jodi…. Sinabe ko na ‘alam mo Jodi isa lang ang hiniling ko sainyo, na sabihin niyo saakin para maabisuhan ko yung mga anak ko. 

“Kasi sinabe ko na mangyayare toh. Artista kasi kayo.’ Eh sabe ko, ‘eto yung iniiwasan ko yung may lumabas na pictures na makita ng mga anak mo bago mo sinabe. Bago niyo sinabe saamen.’ 



“Pero yung anak niya, yun yung nakakainis dun, yung anak niya si Thirdy, inupo nila ni Raymart at inexplain na bagong boyfriend niya ulet. Diba? Parang, ang bastos noh? Diba, nakalimutan yung mga anak ko,” Sabi ni Claudine.

Matapos nga nito ay diretsahan niyang sinabing Bad Influence di-umano si Jodi Sta. Maria kay Raymart Santiago.

“Wag mong kakalimutan yung responsibilidad mo Raymart sa mga anak ko. At kasi kitang kita ko na hindi magandang influence si Jodi sa kaniya. Because si AC, yung ex-girlfriend ni Raymart, mas karespe respeto, in proper. 



“Sobrang proper niya. And I’m in disbelief, hindi ko maintindihan pano nagawa ni Jodi lahat yun. Yun yung ano, na hindi manlang nagpasabe, or yung pinabayaan mo yung mga anak ko...

 “Mas okay siyang tatay nung hindi pa sila eh.” dagdag pa ni Claudine.