Gerald Anderson at Julia Barretto naka stalk umano sa fan account ng JoshLia?

Gerald Anderson at Julia Barretto naka stalk umano sa fan account ng JoshLia?

Gerald Anderson at Julia Barretto naka stalk umano sa fan account ng JoshLia?
Nitong nagdaang linggo ay naging usap usapan at talaga namang nag trending sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Dahil ito sa music video na kanilang pinagbidahan para sa 'Paubaya' ni Moira Dela Torre.

Naging trending topic pa nga ang kanilang mga pangalan maging ang titulo nitong 'Paubaya'.

from Paubaya MV

Ngunit bukod sa kanilang dalawa ay naging trending topic din ang pangalan ni Gerald Anderson, ang lalaking patuloy na iniuugnay ngayon kay Julia Barretto.

Talaga namang marami ang naka relate sa naturang music video kaya naman nabuhayan ang JoshLia fan sa muling pagsasamang ito nina Joshua at Julia.

Nitong nagdaang linggo naman ay nagkaroon ng solo performance si Joshua Garcia sa musical variety show na ASAP Natin 'To at talaga namang ipinakita nito ang hataw at galing niya.

Ipinaskil ng isang JoshLia fan account ang naturang clip ng pagsasayaw ni Joshua sa ASAP at makikita nga na isa si Julia Barretto ang syang nanood nito.

Ngunit ikinabigla ng naturang fan account ng maging ang Instagram account ni Gerald Anderson ang isa sa mga nanood nang naturang clip ng pagsasayaw ni Joshua Garcia.

credit to @Lime05513362 twitter user


Hindi umano nito tinag ang account ni Gerald Anderson upang mapadpad ito sa kaniyang account at lalong hindi ito naka follow sa kaniyang account.

Hinuha tuloy ng ibang netizen ay naka stalk sa JoshLia moments si Gerald Anderson, isang pagpapatibay na nakasubaybay si Gerald sa ilang bagay patungkol kay Julia Barretto.

Matatandaang sa naturang dance clip ng episode ng ASAP niyon din naganap ang pag aasaran nina Joshua Garcia at Kim Chiu sa isa't-isa, napanood din kaya nina Gerald at Julia ang naturang asaran? Hmmm..

Narito ang naturang dance clip ni Joshua na napanood ng rumored couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto: